6 - Chess

6.6K 240 55
                                    

Kiko,

 

Natatandaan mo ba, noong maliliit pa tayo? Lagi mong sinasabing gusto mong maging doktor kasi gusto mong magsuot ng puting uniform? Sabi ko, bakit hindi ka na lang mag-pari? Ang sagot mo, kasi hindi mo na ako laging makikita kapag pumasok ka ng seminaryo. Kasi hindi ba, dapat lagi tayong magkasama? Nangako ka. Kahit tumanda na tayo. Kahit magkaroon na tayo ng sari-sarili nating mga buhay, hindi pa rin tayo maghihiwalay.

Ikaw lang ang nakakaalam ng lahat ng sagot sa mga tanong ko. At kahit ano ang isagot mo; kahit sabihin mo pang pula ang langit, naniniwala ako. Pero ngayon, mag-isa na lang ako. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. O kung kanino ako pupunta.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan. Ang hirap paniwalaan na sumuko ka na lang basta-basta. Dahil sa ating dalawa, ikaw ang matapang. Tinatawanan mo lang ang mga problema. Hindi ba sabi mo, ang buhay parang chess? May mga pirasong kailangan isakripisyo para manalo ka. And you’ve always thought of yourself as a Knight in that chessboard; a powerful but expendable piece.

Sabi nila, isang malaking sacrifice daw ang pagkawala mo. They were all raving about how great and kind you were. Tingin mo makatuturan ba ‘yang ‘sacrifice’ nayan? Para sa akin, makasarili ka.

Hate,

Dead Girl

Hindi ko alam kung ilang oras na’kong nakatitig sa diary. Magulo ang utak ko. Para nang sasabog. Kasi mali na ‘to. I’m stressing myself over some girl and I’m not even sure if she’s for real.

May kumakatok sa pinto ko. Hindi ko lang pinapansin.

“Nico?” Si Manang Bining ang nagbukas ng pinto. “Hindi ka pa ba babangon diyan? Kanina pa ako nakahain ng agahan.”

“Mamaya na lang, Manang.” Hinila ko ang kumot at itinalukbong sa ulo ko.

“Himala,” sabi ni Manang Bining, nakapamewang. “Tanghali na. Paparating na ang Mama mo. Hindi mo ba sila sasalubungin?”

31 Days to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon