17 - Wish

1.1K 74 5
                                    


Ipipikit ko ang aking mata dahil
Nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilayan



I wake up because of Jake's frantic barking.

"Shut up, Jake," I groan, throwing the covers on him. Masakit na nga ang ulo ko, pinapalala pa niya.

He doesn't stop, though, so I force my eyes open. I see my mother peering over me. And it doesn't look good.

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya. "Anong oras ka umuwi kagabi?"

"Twelve," I lie. "Three to eleven ang hospital duty ko, Ma."

Her eyes narrow. She heads for the door. "Bumangon ka na. Male-late ka pa."

I sit up, averting my eyes. I don't think I can look at her the same. I have too many questions, like, bakit si Dad ang nagbibigay ng pera kay Louis at hindi siya? Doesn't she realize how hard that must be for Dad? For Louis?

Pagkalabas ni Mama, tumigil na rin katatahol si Jake saka sumiksik sa ilalim ng braso ko. "Sshh... do'n ka na muna kay Kurt. Papasok na'ko."

As if he understands me, the dog jumps down the bed and runs out of my room. Natawa na lang ako. Buti pa'ng aso, naiintindihan ako.

Papunta 'ko ng banyo nang mapansin ko 'yong table napkin na nakalapag sa study table ko. I look at it and can't help but smile when I see Abbie's cute bear drawing. Nakita siguro ni Manang Bining sa bulsa ng jacket ko kagabi. Buti naisipan niyang itabi. I pull out the drawer and place the drawing inside pero natigilan ko nang makita ko 'yong black na diary ni Dead Girl do'n.

Muntik ko nang malimutan.

And now, I only have less than a week.

Kinuha ko 'yon, binuklat.

Kiko,

Sabi mo noon, ako na yata ang pinakamatapang na taong kilala mo. Iyakin ako, oo. Pero matapang.

Akala mo lang 'yon. Ang totoo, duwag talaga 'ko. Kaya lang ako lumalaban sa kung anumang sumpa itong binigay sa'kin ng Diyos—kung may Diyos man—kasi, natatakot ako. Takot akong mawala. Takot akong mamatay.

Pero ganu'n pala 'yon, 'no?

'Pag araw-araw na lang, kailangan mo'ng lumaban para sa buhay mo, nakakapagod rin. Nahihirapan na'ko. Nagsasawa.

Natatandaan mo ba no'ng high school pa tayo? Tuwing niyayaya kitang maghagis ng barya para mag-wish, lagi mong sinasabi, bakit pa? Mangyayari ang dapat mangyari. Kahit ilang wish pa ang gawin mo, kahit isang truck pa ng barya ang itapon mo, ang kanan ay kanan. Ang kaliwa, kaliwa pa rin. 

Hindi babaligtad ang mundo para sa'yo.

Ang wish ko lang naman, maging masaya ako kahit isang araw lang. 'Yung walang kailangang alalahanin. 'Yung kahit sobrang bad trip ang araw ko, alam ko na may uuwian ako na naghihintay sa'kin, na makakaintindi sa'kin. Magsasabi sa'kin na "Good job. Natagpos mo na naman ang isang araw. Alam ko, nahirapan ka, pero bukas ulit, ha?"

Pero wala eh. Walang gano'n.

Hindi porke mabuti kang tao, magiging mabait na sa'yo ang mundo.

Bakit 'yong ibang tao, tine-take for granted lang nila ang buhay nila? Samantalang ako, kahit gusto ko nang sumuko, pinipilit ko pa ring bumangon araw-araw.

Naisip ko, baka nga naman matagal na'kong binibigyan ng universe ng sign. Para bang sinasabi na, "Tama na, hanggang dito ka na lang. Masyado nang mahaba ang extension mo."

Buhay nga ako, but I don't feel alive.

Nagigising ako araw-araw, pero hindi ko alam kung para saan. I'm such a waste of space and oxygen.

Kaya ngayon, pipilitin kong maging matapang. Hindi na'ko lalaban. Tatanggapin ko na. Siguro ito na talaga ang para sa'kin.

I'm done here.

See You Soon,

Dead Girl

31 Days to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon