18 - Reconciliation (2 of 2)

1.1K 64 7
                                    

Paulit-ulit

Paikot-ikot

O, kay bilis ng panahon

Isang iglap, isang taon


Tumatakbo ang bawat saglit





"Pasensya ka na kina Kurt at Dad. Pati na kay Manang," I told her, while I'm driving her home. "They can be quite a handful."

Umiling si Abbie. 

"Hindi naman..."

"Talaga? Hindi ka ba napagod makipaglaro kay Kurt at Jake? Kung anu-ano kaya ang pinapagawa sa'yo. Sinusunod mo naman."

Napangiti siya. "Lumaki kasi ako nang walang kalaro kaya parang ang saya lang ng may kapatid. T'saka ngayon pa lang ako nakapag-decorate ng Christmas Tree..."

I look at her to check if she's kidding. She's clearly not.

She laughs quietly. 

"Hindi kasi nagse-celebrate sina Auntie ng Christmas."

"Ahh... e ang parents mo? Hindi rin nagse-celebrate?"

Natahimik siya. 

"Nagse-celebrate... Pero kasama ng kaniya-kaniya nilang pamilya. Mga five years old pa lang kasi ako no'ng nag-hiwalay sila, kaya hindi ko na matandaan kung nag-celebrate na ba kami ng Christmas together dati."

Now, I know why she changed her mind all too quickly when I ask her to come to my house.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Psshh... wala namang special sa Christmas. Kaya don't worry. You're not missing anything."

She manages a smile.

"Thank you," I tell her.

"Para sa'n."

I glance at her. "For coming into my life."

"Asus!" Pinipilit niyang hindi matawa. "Ano bang nakain mo at lumelevel-up ang ka-kornihan mo ngayon?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nag-isip.

"Honestly, Abbie. Kung hindi kita nakilala, siguro, hindi ko maitatama ang mga mali ko. Siguro, hindi pa rin kami magkaka-ayos ni Dad. At siguro, hanggang ngayon, pariwara pa rin ang buhay ko... Umamin ka nga."

"H-ha?" Tumitig siya sa'kin.

"Maybe you're my guardian angel, who fell from heaven to fix me."

She smiles at me, that wistful little smile that brings mist to her eyes. "Ako, angel?"

"Oo."

Suddenly, she gives my hand a squeeze. 

"Sa daan ka nga tumingin."

Natawa ako. As always, ang lakas maka-anti-climax ng babaeng 'to.

"Opo, maam."

Matagal natahimik si Abbie. Nakatingin lang siya sa mga punong nadadaanan namin.

Noon ko lang naramdaman na nangangawit na pala ang panga ko. Pagtingin ko sa rearview mirror, na-realize ko kung bakit: siguro kanina pa'ko non-stop na nakangiti. Hindi ko lang napapansin.

I try to make a straight face, pero parang may spring ang mga sulok ng bibig ko. Kusang umaangat.

Nasisiraan na yata ako.

"Napanood mo na ba 'yung City of Angels?" simula ni Abbie pagkatapos ng matagal na katahimikan.

"Hindi pa, bakit?"

Ngumiti siya. "Panoorin mo. Tapos, sabihin mo sa'kin kung maganda."

"Bakit hindi na lang kaya natin panoorin nang magkasama tayo?"

"Napanood ko na 'yun."

"E 'di panoorin mo ulit."

She shrugs, still smiling. "Baka 'pag inulit ko, hindi ko na magandahan."

"Okay, okay."

As I slow down in front of Abbie's house, I notice a car parked near the gate. May nakaupo sa hood ng kotse. 

Humigpit ang hawak ko sa manibela.

Si Grey.

Inihinto ko ang kotse.

"What's he doing here?" I ask Abbie.

Parang gustong lumubog ni Abbie sa kinauupuan niya. "H-hindi ko alam."

"Ihahatid na kita sa loob."

"Huwag na, Nico. Okay lang ako."

Bubuksan na sana ni Abbie ang pinto ng kotse pero ni-lock ko.

Napatingin siya sa'kin.

"What am I to you?" I ask, staring at Grey.

"H-ha?"

"What am I to you, Abbie?" Hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko. "Ano ba'ko sa'yo? Tagahatid-sundo? Tagapagpasaya 'pag malungkot ka? Tagapag-paiyak kapag umiiral ang pagkatarantado ko? Ano?!"

"Nico... b-ba't ka ba nagkakaganiyan?"

I clutch the steering wheel tight and grit my teeth. "What about that guy? Who is he to you? Ba't kailangan ka niyang puntahan sa bahay niyo? Bakit hindi ka makasagot?"

Bumuntong-hininga si Abbie ng malalim bago tumingin sa'kin. She places her hands on the sides of my face and makes me look at her. She smiles this meaningful little smile and says, "Ikaw ang mahal ko."

I feel like my chest is going to explode the longer I look into her eyes. I couldn't come up with a retort.

It's so weird. I was so angry just two seconds ago, and now, here I am, grinning at her like a total idiot.

I answer with something very cool like, "Oh...kaaay..."

Clearing my throat, I straightened on my seat while trying to figure out what just happened.

"Ingat ka pauwi, ha?" sabi niya, hinalikan ako sa pisngi bago lumabas ng kotse.

Parang wala ako sa sarili ko, kasi pinanood ko lang siyang umalis at pumasok sa gate.

Namalayan ko na lang, kumakatok na si Grey sa bintana ng kotse ko.

I roll the window down, keeping my gaze forward. "What do you want?"

"Hindi ka talaga marunong magtanda e, 'no, pare?"

Nilingon ko siya. "Ano ba'ng dapat kong tandaan, pare?"

He scoffs. "E kung basagin ko kaya ulit 'yang mukha mo para maalala mo?"

"Ahh..." Tumango ako, pinipigil tumawa. "'Yon ba? Sige, tawagin mo pa 'yung dalawang alalay mo, tapos pagtulungan n'yo ko. Kasi baka hindi ko gaanong maalala 'pag mag-isa ka lang."

"Layuan mo si Gail! Kung ayaw mong masaktan."

"Bakit, close ba kayo? Ano ka ba niya?"

Napatiim-bagang siya, kinalampag ang side mirror ng kotse ko. Hindi siya nakasagot. "Ba't ikaw? Ano ka ba niya?"

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Naalala ko kasi 'yong sinabi ni Abbie kani-kanina lang.

"Ikaw ang mahal ko."

And no amount of threat, not even Grey could ruin it for me at this point.

With that, I pull out from the roadside and drive home. But just as I take the next turn, napatingin ako sa side mirror ko. Nakita ko si Grey na pumasok sa gate ng bahay ni Abbie.

Kulang na lang paliparin ko ang kotse pauwi. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at sugurin ko ang bahay nila Abbie.

"'Kala ko ba strict ang Auntie niya?" Hinampas ko ang manibela. "Bakit basta-basta na lang silang nagpapapasok ng lalaki sa bahay nila?"

31 Days to DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon