Mga Alituntunin ni Hunnydew sa Pagsusulat

7.5K 221 96
                                    

(O diba? Tinagalog talaga? Hahaha.. pero mas na-express ko dito ang sarili ko in fairness.. mabuhay ang wikang Filipinooo!!! chos)

ahhh... may nagtanong kasi sakin neto sa PM.. edi shinare ko na rin :) 

Ahh ehh… naniniwala kasi ako na kahit sino, pwede naman maging manunulat. Wala naman kasing pinanganak na magaling na agad sumulat. Parang yung kasabihan lang yan na walang taong pinanganak na bayani. Kaya kung trip mo talagang magsulat ng kung anu-ano.. edi gora lang. Paki ba ng iba? XD

 

Pero ang kaibahan ng manunulat.. sa MAGALING na writer… DISCIPLINE, COMMITMENT and PASSION. 

---------------------------------------------------------------

 

Ang mga nakasulat po dito ay mga tips na nakuha ko galing sa ibang mga writers dito  sa Wattpad  at ilang based on experience na rin :D

Salamat kay Ate Denny aka HaveYouSeenThisGirl sa mga pieces of advice nya. ^-^

-------------------------------------------------------------

**DON’T PLAGIARIZE. Hindi po ito tip…common sense po ito. Pinaghirapan ng mga may-akda ang mga sinulat nilang wento. Walang karapatan ang sinuman upang gayahin at mas lalong nakawin at angkinin ang idea nila. Magnanakaw ka kung gagawin mo yun. At dahil nasa Ten Commandments ang binali mong batas.. susunugin ka sa impyerno pag ginawa mo yun. Kung gagaya ka rin lang ng plot ng ibang tao, gawin mo nang fanfiction yung sayo.. tapos give credit to the original writer.

Pero seryoso… galangin natin ang gawa ng iba kung gusto nating igalang din tayo :)

1) WRITE FROM EXPERIENCE. Kung mapapansin nyo, karamihan ng mga pumapatok dito sa Wattpad, mga kwentong based on real life experiences.. lalo na yung mga love stories. Kaya kung unang beses ka palang magsusulat, eto ang bagay sayo. Kahit anong genre ng kwento mo, basta may personal attachment ka, maraming makaka-relate sa storya mo :D Mas madali mo kasing maipapaliwanag yung mga emotions, setting, at kung anu-ano pa dahil nga may masidhing damdamin ka sa topic na yun.

Hindi naman kelangan buong buhay mo ang isulat mo.. pwedeng yung mga naranasan ng mga tauhan mo sa kwento, ikaw mismo ang nakaranas.

Tanong nyo man yung ibang writers dito na may more than 1,000,000 votes.. may mga karanasan yung mga characters nila na napagdaanan din nila yung struggle, yung kilig, yung sakit at lungkot..ganun :D

Yung kwento ko pong ‘Ikaw Na!(You Already!)… based on real life po yun.. ayieee.. hahahah.. pati pala yung 'Head-on Collision'.. yung mga katatawanan... mga totoong pangyayari po yun.. meheheh.

2) MAGBASA NG LIBRO. Nobela man yan ni Nicholas Sparks, Pugad Baboy ni Pol Medina o ng sinuman dito sa Wattpad. Marami kang matututunan sa pagbabasa lalo ng nung mga trip mong genre. Naniniwala akong lahat ng magagaling na manunulat, mahilig din magbasa. At kung magka-writer’s block ka man, magandang paraan para maibalik ang momentum mo pag nagbasa ka. Tsaka, nakakabuo ka kasi ng sarili mong istorya kapag marami kang nababasa.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon