Demanding Reader ba kamo?

4.2K 154 54
                                    

Para sa'kin, apat ang klasipikasyon ng mga demanding readers:

1. Pasimple

Sila ‘yung mga mambabasa na todo-todo kung maka-comment. Mala-nobela ang paglalahad nila ng kanilang mga saloobin tungkol sa update na nabasa nila. Kabilang din dito ‘yung way over the top ang pagpuri sa may-akda. Pero ‘wag ka.. sa dulo, may mababasa kang ganito:

 

“Ang ganda talaga ng story. Ang galing mo author. Sana may kasunod pa.”

“Kinikilig talaga ako sa kanilang dalawa. Natatawa din ako sa malokong character na ‘to. Abangers na ako sa susunod na mangyayari.”

 

O diba? Patatabain muna nila ang puso and/or pahahabain ‘yung buhok ng author para ma-motivate na mag-update agad.

Pinakagusto ko silang uri ng demanding readers. Kadalasan, sila ‘yung mga nakaka-chikahan ko sa comment box o kaya sa Message Board. Ilan din sa kanila, naging mga close friends ko na. Sa sobrang close namin, nagiging ka-collab ko rin, hahahaha. Alam na.

Madalas, ganito akong klaseng reader. Sinasabi ko kung ano talaga ‘yung naramdaman ko. O dahil likas lang talagang madaldal ako both in person and in the cyber world. Kaya kung papansinin niyo, mala-nobela ang pag-comment ko. Madalas, bullet points pa, hahaha.

2. Reader-of-few words

Halimbawa:

“Hahahaha, dami kong tawa. UD na.”

“Update please.”

“Ate/Kuya, kelan ka mag-update?”

 

Personally, hindi ko alam kung pa’no ko sila rereplayan sa comment box kaya madalas, pinasasalamatan ko na lang sila. Hindi ko rin ginagawa ‘to dahil, bitin kung ‘hahaha’ lang ang sasabihin ko. At dahil wala na akong masabi tungkol sa kanila, move on na tayo.

3. McArthur

I shall return lang ang peg nila kapag hindi nag-update si author sa loob ng dalawa o tatlong araw. Paulit-ulit silang magpo-post ng ‘UD na please?’, ‘UD! UD!UD!’ either sa comment box o kaya sa MB ni author. Kung minsan, di pa nakuntento, i-cha-chat pa talaga  si author para mangulit. Hindi nila tatantanan si author hanggang sa mag-update na ito. Kung minsan, kaka-post lang nung bagong chapter, manghihingi na sila ng kasunod.

Aminado akong ganito rin ako sa mga kaibigan kong authors, hahahaha. Mas mahaba lang ang intervals. ‘Pag alam kong dalawang linggo nang walang imik ‘yung story nila, saka ko sila kinukulit, hehe.

Pero hindi naman ako sobrang demanding na ako pa talaga ang galit tulad ng susunod at huling uri ng demanding reader…

 

4. IRATE

Pronounced as ‘ay-reyt’ ay kadalasang ginagamit sa uri ng trabaho kung saan malaki ang tsansang makasalamuha mo ang isang tao o customer na galit na dahil hindi satisfied sa service na ibinibigay nung kumpanya.

Sa Watty, ito ang uri ng mambabasa na kinamumuhian ng karamihan ng mga manunulat. Bukod kasi sa sobrang demanding na akala mo mamamatay na ‘pag di pa napost yung susunod na chapter, kung minsan, binabastos pa nila ‘yung author.

Madalas palang may evolution ang mga irate na readers. Dinadaanan muna ang types 1 to 3. Pero ‘pag nangulit na at wala pa ring update, nagagalit na.

 

“Ano ba naman yan! Ang tagal naman nung susunod na chapter! Bitin na bitin na’ko! Update na! Now na! Pag di mo pa inupdate ito bukas, hindi ko na babasahin ‘to.”

 

Talagang sila pa ang may ganang magbanta eh sila na nga  lang ang nakikibasa ng kwento. Eh ano naman ngayon kung hindi na nila babasahin ‘yun kung hindi ma-update agad ‘yung story? As if kawalan naman kay author kung mabawasan siya ng isang taga-tangkilik diba?

Kaya naiintindihan ko rin kung bakit madalas inaaaway ng ibang readers ang mga type na ito dahil pati sila, nababastusan sa mga pinagsususulat ni irate reader.

Nagpapasalamat ako dahil wala pa naman akong mambabasang ganito.

Ang payo ko lang sa lahat ng mga mambabasang tulad ko…

 

…Konting consideration lang mga pre.

Hindi naman masamang mag-demand. Pero do it in moderation naman. At ayusin ang pakikiusap. Ilagay din sa lugar 'yung pagde-demand. Kung close kayo ni author, ayos lang yan. Pero kung hindi, mahiya naman sa balat diba?

Sabi nga ng iba pang nagra-rant tungkol sa mga demanding readers, hindi lang ang pagsusulat ang pinagkakaabalahan ng mga authors. May kanya-kanya rin silang buhay—nag-aaral, nagtatrabaho, may mabigat na problema, etc.

 

Buti sana kung may katumbas na pera ang bawat vote at comment per chapter diba? For sure, mabilis na mag-a-update ang mga favorite authors natin. Kaso hindi.

Libre nilang shi-ne-share ‘yung mga kwento nila.

Kawang-gawa. Charity.

Pasalamat na lang tayo sa kanila dahil nakaisip sila ng magandang kwento na sa sobrang kapana-panabik, sinusubaybayan talaga natin. Kung wala sila, wala tayong mababasa.

‘Wag nating hayaang sa sobrang demanding natin, tuluyan na silang mawalan nang ganang magsulat at umalis na lang ng Watty.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon