How to Effectively Introduce your Character/s

4K 114 51
                                    

Ako po si Hunnydew. Twenty plus years old na po ako. Maliit at kayumanggi ang balat. Certified Pinay po ako. Matagal nang graduate at kasalukuyang naghahanapbuhay. Sobrang daldal ko. Kahit sino, kaya kong kausapin. Sobrang bait ko rin.

  

GAH!

Tama na! Bukod sa wala na akong maisip na isulat, nabo-bore na ako.  Para kasi akong contestant sa Little Miss Philippines. Kulang na lang, “I thank you, bow!”

 

I don’t mean to offend anyone. It’s just that… katulad ng ‘poks, blag, bratatatatat’ style… hindi rin ako natutuwa sa ganitong style ng pagpapakilala ng mga tauhan.

Bakit?

Dahil sinabi na halos lahat tungkol sa main character. Bakit ko pa babasahin ‘yung kwento kung kilala ko na ‘yung pagkatao ng main character na sa unang chapter o kaya sa about the book nakasulat? Kumbaga sa pelikula, you already spoiled who your character is. Wala nang element of surprise. Kaya kung minsan kapag nakakabasa ako ng ganung story, nawawalan na ako ng ganang ituloy. Mas gusto ko kasi 'yung unti-unti kong nakikilala 'yung bida as the story goes on. Hindi 'yung unang sabak pa lang na-build up na kung sino siya. Wala nang thrill. Information overload din 'yun.

Para sa’kin ang bawat tauhan na inilalabas sa isang kwento, sarili ko mang akda o hindi, ay itinuturing kong bagong kaibigan. As in ‘yung ngayon ko lang siya nakilala. Bakit? Meron bang tao na kilala mo na ang halang ng bituka sa unang pagkikita pa lang? Hindi diba? It takes you a long time to know the person. Some even take a lifetime para maunawaan mo kung anong klaseng tao talaga sila.

I have said this before and I’ll say it over and over and over again… A writer is like a painter. But instead of using colors to create a picture, he/she uses words to SHOW the reader how the story unfolds. Or in this case,  who and what the characters are.

 

Magkaiba ang SHOWING sa TELLING.

 

‘Yung halimbawa sa taas ng pahinang ito ay example ng ‘telling’. At quoting from Diwata (cursingfaeri), isang halimbawa ng katamaran ‘yon kasi ipinaubaya na sa mambabasa ang pag-imagine dun sa character. Para ka raw nagpakain ng lugaw na walang sahog at inutusan mo pa ‘yung kumakain na isipin na lang niyang may manok, paminta, onion chives at kung anu-ano ang inihain mong wala namang laman. Paano kung hindi marunong mag-imagine yung bumabasa? Eh di wala na? Aasa ka nalang sa casting? Pa’no kung walang ganun ang Watty? Paano maiisip ng reader kung anong itsura ni character?

Marami akong napasadahang kwento dito sa Wattpad na tulad ng nasa taas ang style ng character introduction… kesyo mayaman si protagonist, suplada, maganda, blah blah blah. Lahat na sinabi.

Ang iniisip ko lagi kapag nakakabasa ako niyan: ‘Ows? Talaga? Pa’no mo nasabi? Gaano sila kayaman? Ilan ba ang kotse nila? Anong brand ng suot? Gaano kalaki ang bahay? Anong trabaho ng mga magulang? Saan nakatira?

Kailangan mong isulat ‘yung indicators kung bakit mo nasabing mayaman ‘yung character mo. Hindi kasi effective ‘yung simpleng ‘mayaman ako’. Anong nakuha ko diyan? Malay ko ba kung nagsisinungaling ka lang diba?

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon