The Different POVs in Writing a Novel

3.2K 77 37
                                    

Ano ang ibig sabihin ng POV? Point of view.

I think napag-aralan din ito sa Grammar...yung tinatawag na 'Perspectives'. Sa novel writing, karaniwang 'narrative' ang tawag. Pare-parehas lang sila. Ibig sabihin lang nito, sino ang nagku-kwento.

Take note, sino ang NAGKU-KWENTO, not necessarily sino ang SUMUSULAT/SUMULAT ng kwento.

Dito kasi tayo madalas nadadali. Most of the times we can not distinguish between the author and the narrator. Technical na masyado pero it doesn't hurt to know, diba?

To put it simply, the author is the one writing the words and the story. The narrator, is the one telling the story.

There are three POVs: first person, second person, third person.

Uunahin ko sa...Second person. Kasi pinaka-simple at... Well...walang masyadong gumagamit neto. Paano mo made-determine kung written in the second person narrative ang kwento? Pag gumamit ng pronoun na 'you' sa narration.

So far, wala pa akong nababasa sa wattpad or sa kahit anong printed books. Kasi mostly, mga adventure books ito, o kaya LARP.. Live action Role Playing games like Dungeons and Dragons.

Also, not a lot of people would want to read this type of narrative kasi 'parang' pinangungunahan si reader ng narrator to feel certain emotions na baka di naman siya maka-relate. Parang inuutusan kasi, ahaha. Eh sino bang taong gustong mautusan? Saan pa ba nagagamit ang second POV na ito? Well...usually, pag kunwari kinakausap ni narrator yung younger version niya.

Di ko sinasabing pangit o hindi magandang gamitin ito ah. Rare lang talagang makatagpo ng libro o kwentong ganito ang POV.

Moving on...let's talk about First POV. Yung kung magnarrate, I, we, us, ako, kami ang gamit. Karamihan ng kwento sa Wattpad, ganito ang style kung hindi ako nagkakamali. Kung gagamitin natin yung video camera analogy, nasaan nakapwesto ang camera sa First POV? Nasa loob ng utak ni narrator. In effect, may full access si narrator sa kung anong nangyayari, iniisip at nararamdaman ng main character. Ito ang pinakamadali. Narrators assume the personality ng mga character/s. Madali kasing maka-relate. Ano ang mga example ng stories na ganito ang POV? Diary ng Panget, Kwento ng Green-minded, AFGITMOLFM. Percy Jackson series, o kaya twilight, fifty shades, ABNKKBSPLAKo ni Bob Ong, karamihan ng works ni Ms. Mina Esguerra din. Kahit multiple POVs pa yan, basta I, we, ako, tayo, kami ang gamit sa narration... First POV yan.

Ang hindi alam ng karamihan, may iba't-ibang types pa ang First POV.

Usually, first person protagonist ang gamit natin. Anong ibig sabihin ng 'protagonist'? Bida. In short, yung POV ng main character ang gamit. Yung bida ang nagkukwento.

Meron ding tinatawag na...first person witness. Ibig sabihin, nasaksihan ng narrator ang kwento. Hindi man siya ang bida pero sabay silang nakexperience. Example is yung Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom. Kwento yun ni Morrie Schwartz pero si Mitch ang narrator. O kaya yung Sherlock Holmes which was told in Watson's perspective.

Meron ding first person re-teller. Yung narrator...nagkukwento ng nangyari sa buhay ng iba na hindi naman niya nakita tapos may sarili pa niyang side comments. Kung baga...naging chismis na kasi yung kwento, napasa-pasa na kung kani-kanino.

What's good about the first POV is that...readers can easily relate to the main character. Madaling makisimpatya kasi nga parang pinagdadaanan din ni reader ang nangyayari kay main character.

Ang problema, most writers could not separate our thoughts as authors from our characters' thoughts and/or actions. Napaghahalo-halo natin.

If we use the first person perspective, as writers, we always have to put ourselves in our characters' shoes.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon