COPIES ng STORIES ng mga Fave Authors niyo, MERON DITO! Dali!!!

3.3K 125 88
                                    

NEKNEK MO!

TANGINA THIS LANG!

 

Hindi niyo alam kung ano ang hirap na dinaranas ng mga authors dito sa Wattpad para lang makapaglabas ng magandang storya, ‘yung perang ginagastos para sa net connection, sa pagkikita para mag-brainstorm ng magandang eksena, sa pagpupuyat na dahilan ng pagdami ng tigyawat na halos wala nang paglagyan, sa pagni-ninjamubs sa office para lang makapag-UD!

OA NA KUNG OA.

Pero halos DUGO AT PAWIS ang ipinundar namin sa mga kwentong ginagawa namin para saan? Binabayaran ba kami? May katumbas na salapi ba ang votes at comments? Sabi nga ni Diwata, bukod sa self satisfaction, ‘yun na nga lang ang compensation namin eh—ang malamang nasisiyahan ‘yung mga nagbabasa kahit ang kapalit nun ay ang walang-humpay na pagde-demand ng UD at ang pag-ulit ng cycle na pagpupuyat, paggastos, pagninjamubs.

Hindi ako nagpapaapekto sa mga hanep maka-demand ng UD pero ‘yung MALALAMAN NAMING GINAGAWAN NG SOFT COPY ang mga stories namin?

TANGINA… IBANG LEVEL NG KABASTUSAN MGA DRE. Kapal ng panga!

Isa pa, ano ang mararamdaman mo kapag ‘yung kwentong kulang nalang ay pati buhay ibubuwis sa pagsusulat ay maisama sa Reading List na ‘TO BE COPIED’? Ano ‘to? Lantaran lang? Sabi ko nga, pakipaliwanag ang mga katagang ‘yan.

Hindi ko alam kung OA lang ako pero ito kasi ang synonym nun para sa’kin: ‘KOKOPYAHIN ANG MGA ITO’.

May iba pa bang ibig sabihin ang ‘TO BE COPIED’? Nananawagan po ako, pakipaliwanag sa’kin dahil nagpupuyos na ako sa galit kanina pa at hindi na ako makapagtrabaho nang matino. Baka magteleport  ang nagagalit na kaluluwa ko sa kinaroroonan ng may-ari ng RL na ‘yan o ng mga katulad niya at ipapabugbog ko sa mga alagad ni Lorenzo Kwok. O kaya, papasugurin ko nalang si Louie Kwok para siya mismo ang bumali ng mga buto nilang mga makakapal ang panga! Pwede ring ipapaslang ko na lang sila kay Vincent.

Hindi ko alam kung sadyang naka-full blast ang aircon sa office o nanginginig ang mga laman at buto ko sa galit. I wanna fuckin’ cry because I’m so furious at the unfairness of this.

 

‘Yung totoo. Dapat ba kaming magpasalamat dahil nasama diyan sa RL na ‘yan ang mga gawa namin? O kaya dahil ginagawan ng soft copy ‘yung mga kwento namin at ipapasa sa iba? Utang na loob ba naming mga writers sa mga taong ito ang nagpapakalat ng mga stories namin para maraming makabasa?

That’s BULLSH*T.

YOU DON’T HAVE THE SLIGHTEST FUCKIN’ RIGHT IN THIS WORLD TO DO THAT.

 

Kaya nga may Wattpad eh! Kaya nga dito nagpo-post ng stories para DITO SA WATTPAD MAGBASA tapos magpapakalat ng kopya. PUTAPETENG RASON YAN!‘Yung iba, dinaig pa ang Great Wall of China sa kakapalan ng mukha, pinagkakakitaan pa talaga? At NAKAKA-OFFEND po 'yung malalaman pa ng authors na binebenta ang soft copies ng stories nila sa halagang LIMANG PISO... 5PHP, P5.00. Sabi nga ni Diwata... parang sinampal sa mga mukha ng authors na limang piso lang ang halaga ng intellectual property. Mantakin mo, ilang buwan/taon mong pinaghirapan, mabibili lang ng limang piso? TANGINA DIBA? 'Yung thesis nga na binebenta sa Recto, ilang daan ang inaabot, tapos 'yung ginawa mong mas mahalaga pa sa thesis, limang piso lang? PUTAPETENG TUPA! 

Bakit? Dahil walang internet, walang android phone para makapagbasa offline? Ambabaw ng rason mo pre. At nakakagalit nang bongga. 

Inisip niyo rin ba ang kapakanan ng mga may-akda kapag ganyan ang mga dahilan? Hindi niyo ba inisip na.. shet, ilang oras kaya tinayp ni author ang UD na ‘to? Magkano kaya ang bills na binayaran niya sa kuryente at sa net connection? Nakakatulog pa kaya siya sa kakasulat ng storyang ito?

Grabe. RESPETO LANG po. Kahit ‘yun na lang ang bayad niyo sa’min na naghirap umisip ng storya. Kahit wala nang vote at comments. Hindi po madali ang maglabas ng kwento. Nakakabaliw po, sa totoo lang. Sabi nga ni Erin, parang mga anak na iniluwal ng mga authors ang mga storyang sinsusubaybayan niyo o nating lahat dito sa watty. Isang malaking dagok po sa amin ang malamang may IBANG NAKIKINABANG at BUMABALAHURA sa mga ‘anak’ namin. Kahit sinong magulang, ganyan ang mararamdaman.

 

ANO KAYA KUNG HINDI NA ITULOY NG MGA AUTHORS YUNG MGA STORIES NA SINUSUBAYBAYAN NIYO, ‘NO? Matuwa kaya kayo?

 

Sobrang mabait akong tao, seryoso. Kahit sino pwedeng patunayan yan. Pero sa mga balahurang tao tulad ng mga 'to...

F*CK YOU TO HELL AND BACK... BOLD, ITALICIZED, UNDERLINED...

With feelings.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon