Bashing the Bashers

3.2K 148 48
                                    

I just want to clarify something. Hindi ko ‘to pinost dahil gusto kong ipagtanggol si Alyloony. Ginawa na ‘yon ni Denny sa mismong post na ‘yon. Take note. Hindi ko po kilala si Alyloony. Wala pa nga akong nababasa kahit isa sa mga stories niya eh.

Madalas kasi akong mag-check sa Newsfeed ng Watty kung anong meron. At madalas din, nakikita kong nagre-reply si Alyloony sa mga fans/readers niya na walang-patid ang pagme-message at pagko-comment sa mga stories niya. Para sa’kin, that’s a sign of kindness and humility because despite her fame in this site and probably her hectic schedule, nagagawa pa rin nyang makipag-interact sa mga aspiring writers.

Tapos nahagip ko ‘yung isang post na binash siya last week. Actually, nung nakaraang linggo ko pa talaga gustong magsabi-sabi, kaso alam kong high on emotions lang ako at baka pagsisihan ko lang kung ipa-publish ko agad. ‘Yaan nyo, pag sinipag akong hanapin ‘yung post na ‘yun, lalagay ko sa external link para kayo mismo ang makabasa.

Sinabi dun sa post na ‘yun na masyado raw mabait si Alyloony na parang plastic na ang dating.

 

So, kung mabait, plastik na agad? Hindi ba pwedeng mabait lang talaga? Hindi ba pwedeng pinalaki siya sa environment kung saan tinuro sa kanyang maging mabait kahit sa mga taong nanlalait sa kanya? Tsaka ano namang pakealam mo kung mabait nga talaga ‘yung tao to the last fiber in his or her body? At least siya, maaalala ng mga tao dahil mabait siya. ‘Yung mga bashers ba? Nagkakaroon ba sila ng award na ‘Best Basher in the History of Planet Earth’?

Bakit ko sinasabi ‘to? Kasi ganun ako pinalaki. So excuse me if I’m an eyesore because I generally choose to be kind to every person I meet in person and in the cyberworld. Take note: GENERALLY. 'Pag napupuno ako, lumalabas din ang matabil na dila ko.

Do unto others what you want others to do unto you.

Ako, madalas na mabait ako dahil gusto kong mababait din ang nakakasalamuha ko sa loob at labas ng watty. And I can personally attest na ‘yung mga personal kong nakikilala dito, mabubuting tao talaga… kahit may konting sapak sa utak, hahahaha.

Sa mga nagbabalak mam-bash ng mga writers dito, kung maaari, isalang-alang muna ang mga ito:

World-renowned critique ka ba? Do you know the writer personally? May naabot ka na ba? O dahil hindi ka sumisikat dito sa Watty sa mga sinusulat mong kwento kaya naisipan mo na lang mam-bash dahil mas interesado ‘yon para sa’yo at tingin mo mas madali kang sisikat dahil don?

Inuulit ko, walang masama kung ‘yung sinulat nung writer ang i-bash mo. Mas gusto ‘yon ng mga writers dahil baka may mapulot na matinong reaction mula sa’yo.

Pero utang na loob, ‘wag mong idamay ang pagkatao nung author. Wala kang karapatang gawin ‘yon lalo na kung hindi kayo magkakilala. Or better yet, isipin mo na lang kung ikaw ‘yung inalipusta ang pagkatao.  O kaya, pa’no na lang kung ‘yung nilait mo, close friend mo or yung crush mo pala at hindi mo lang alam? O diba? Magandang gawan ng story yon. O ‘yan, binigyan na kita ng general plot. Ikaw na ang bahalang magsulat nung kwento. Naawa naman ako dahil wala ka yatang maisip na magandang kwento kaya kung anu-ano na lang ang sinusulat mo.

Keep your judgment to yourself and/or to your close friends in a closed-door event. Mag-i-instigate ka pa ng awayan dito sa cyberworld…eh kung wala ka rin lang mako-contribute na maayos dun sa kwento, shut the fuck up. Wattpad doesn’t need your hate posts. It will thrive because of writers who create stories for people to read.

 

You’re nothing but a parasite feeding on people who are at the height of their fame in this site.  Kung meron mang nakikisakay sa kasikatan nila, ikaw yon. Ginagamit mo lang sila para iangat ang sarili mo.

 

Isa kang talangkang nagkatawang-tao. Kapag pinagpatuloy mo yan, di na ako magtataka kung mahihirapan kang humanap ng kaibigang tutulong sa’yo. Hindi na rin ako magtatanong kung bakit marami ring mamba-bash sa'yo sa ibang posts tulad neto. Matuwa ka kaya because you're bashed for being a basher? Sabi nga nila, good begets good. So does evil. Sa madaling salita: Karma.

Remember: Monuments are built for people who have done great things.

 

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon