BOGSH, PAK, TUGSH, KAPLOK, TING atbp

3.7K 130 75
                                    

Na-post ko na ito sa Facebook pero nais ko lang pong i-elaborate. Wala po akong intensiyong patamaan ang sinuman. Opinyon ko lang naman po ito dahil OC-OC ako -- Obsessive-Compulsive po ang ibig sabihin niyan. OC-OC po ako sa maraming bagay kasama na ang pagbabasa at pagsusulat.

Napapansin ko lang kasing maraming stories at writers na malaki ang potential dito sa Wattpad, kaya nais ko lang magbigay ng suhestiyon para sa ikabubuti at ikagagaling na rin ng kapwa ko manunulat.

Ang mga tunog na ito: BOGSH, PAK, TUGSH, KAPLOK, TING atbp ay halimbawa ng Onomatopoeia.

According to Meriam Webster, Onomatopoeia is the naming of a thing or action by a vocal imitation of the sound associated with it (as buzz, hiss) or simply the use of words whose sound suggests the sense.

Sa kasamaang-palad, hindi po ako fan ng ganitong style ng pagsulat. At hindi rin po ako fan ng mga kwentong maraming ganito lalo na kung Action ang genre. Para kasi akong nagbabasa ng children's book kapag sobrang dami ng sound effects. O kaya, mas maganda siguro kung comics nalang ang sinulat diba? 

Naniniwala kasi akong being a writer means you have to be creative on how you'll express something using words.

Kung 'PAK' 'BOGSH' 'TUGSH' lang yan, walang effect.

Ano yan? Sinipa? Tinulak? Sinuntok? Anong ginamit na weapon? May batuta ba? Saan tumama? Gaano kalakas 'yung pagtama? Nasaktan ba 'yung tinamaan? Anong reaction niya? Saan nangyari? Anong nangyari sa taong gumawa nito? Nagtalsikan ba ang dugo? Nabalian ba ng buto?

Iba kasi yung simpleng "Tumayo ako sa gitna at napalibutan ako ng mga kalaban. Sabay-sabay nila akong sinugod at....PAK, BOOM, PLAK!"

Anong nakuha ko diyan? Hindi ko ma-imagine ang eksena. Parang binigyan mo ako ng candy wrapper lang at walang laman. 

Kung gusto niyo ng magandang halimbawa, basahin niyo 'yung Viper ni LaceyErin. Hindi po dahil kaibigan ko siya kaya ko pino-promote 'yung story niya. Hindi ko kasi forte ang action. Wala ka kasing mababasang 'tsug-along-tsug-along-tsug-tsug-tsug' sa kahit anong parte ng kwento niya. Paki-click nalang ang external link para ma-direct kayo.

In writing stories, details is a must. That's why I look up to writers/authors who have the talent in fully elaborating the scene exactly as they see them na pati 'yung mga bumabasa nung libro, parehas ang nabubuong eksena sa isip. 

Isa pang halimbawa:

"Nagkita kami ng half sister ko at... PAK!"

Ano yan? Pumatay ng lamok? Nadapa sa sahig? Eh ano ngayon kung nagkita kayo ng half sister mo? Paki ko?

Ikumpara yan dito:

"Halos namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal sa'kin ng ate ko. Narinig ko pa yatang umalingawngaw sa buong kwarto ang malutong na tunog ng pagdampi ng kanyang kamay sa pisngi ko."


O diba? Mas detalyado 'yung huling halimbawa.

Again, no offense meant. 

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon