Collaborating with Other Authors

2.2K 71 51
                                    

Nagpasya akong isulat ito dahil sa naging epekto ng Viral Stories ng Power Ninjas (cursingfaeri, nimbus_2000, aKo_Narcisso, LaceyErin at ako). Sa mga hindi nakakaalam, viral stories po ang isa pang tawag namin sa mga kwento ng The Confused Trio and Friends. Kung hindi niyo pa rin alam, ang full-blown collaboration na ito ay binubuo ng mga kwentong (shameless plugging ahead) Miss Astig, HAT-BABE?!, A Man's Life, Not Your Ordinary Rich Kid, From a Distance, Chasing My Stubborn Princess, Hayley's Haven, My Happy Ending at Love Again.

 

Meron pa kaming isa pang naunang collaboration nina LaceyErin at nimbus_2000 which is more mature (shameless plugging ulit): Viper, The Proxy Wife, The Proxy Dad at SaiLem series na sa bandang gitna ay naisali rin ang Marriage Contract ni aKo_Narcisso. Mas pumatok lang talaga yung Confused Trio siguro dahil karamihan dito sa Wattpad ay mga teens.

 

So... Paano nga ba makipag-collaborate sa ibang authors?

 

Sabi nga ni Diwata habang binabasa niya ito, ang pakikipag-collab ay parang pakikipagrelasyon.

With that said, ano ang una mong gagawin?

 

1. Makipagkaibigan. Bukod sa hindi magandang i-PM mo na lang ang isang author out of the blue para sabihin sa kanyang: "Tara, collab tayo!" ... Kailangang makapalagayang-loob mo muna ang author na nais mong maging ka-collab. I repeat... Dapat MAKAPALAGAYANG-LOOB (ulit-ulitin mo ‘yan hehe). Ibig sabihin may HIGHER LEVEL OF TRUST na. Hindi feeling close level lang. Matagal na proseso ito. Aabutin siguro ng ilang buwan. Although meron pa ring iba na kahit minsan mo lang makausap pakiramdam niyong dalawa best friends na kayo sa past life niyo. Inuulit ko... Pakiramdam NIYO... Hindi pakiramdam MO lang. Feeling close ka kung ikaw lang ang nag-iisip na soulmates kayo or what-not.

 

Bakit importanteng makuha mo ang tiwala ng author? Kasi kailangan 'yon in the process of creating the plot that you will work on. Intellectual property kasi ninyong dalawa ang gagamitin sa pagbuo ng collaboration. And not a lot of authors would like to share a very good and unique plot to some stranger.

 

2. Magbasa ng mga gawa ni author. Ito ang 'ligawan' stage kumbaga. Siyempre hindi lang personality ang gusto mong malaman. Dahil collaboration ang pinag-uusapan natin, dapat mong malaman ang skill level niya sa pagsusulat. Madalas din kasi, nalalaman kung paano mag-isip si author sa pamamagitan ng mga akda niya. Nagustuhan mo siya bilang cyber friend, pero pumasa ba siya sa panlasa mo bilang prospective collaborator?

 

Ang risky lang dito ay ang sarili mong story. Paano kung nagustuhan mo nga yung mga akda niya pero di naman niya nagustuhan yung ginawa mo? Siguradong tatanggihan ka non. Ansaket diba? Kaya nga lagi kong inii-stress na kailangang ayusin ang bawat update, pag-isipang mabuti ang takbo ng kwento at huwag bara-barang magpost ng bagong chapter para lang masabing nakapag-update ka. Hindi dahil nakaisip ka lang ng magandang eksena, ipa-publish mo na agad sa watty.

 

Kaya nga pag nanliligaw we always put the best foot forward diba? Pero sa pakikipag-collab, dapat sa bawat story mo na naka-publish sa site, binigay mo na ang best mo para alam na kung ano ang ine-expect sa'yo bilang ka-collab. 'Yung mga stories mo na nasa Watty ang nagsisilbing track record or resume mo for a business proposal.

Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon