Chapter Twenty Five

536 9 0
                                    

Napangiti si Sam habang pinagmamasdan ang mag aama niya. Masayang naglalaro ang mga ito sa sofa ng bahay niya.

Matapos nilang mag usap ni Drake ay sumama ito sa bahay nila. Sa kanila ito nag dinner at ngayon ay nakikipaglaro sa mga anak niya.

"Dylan and sandy, tama na yan. Matutulog na kayo." Sabi niya sa mga anak.

"Pero mommy naglalaro pa kami ni daddy." Sabi ni Dylan.

"Oo nga mommy." Sabi naman ni sandy na yumakap sa ama nito.

"Pero mapupuyat kayo." Sabi niya.

"Tama ang mommy niyo. Bukas ulit maglalaro tayo." Sabi naman ni Drake. Napangiti naman siya ng yumakap ang kanyang mga anak sa ama nito at humalik.

"Dy goodnight." Paalam ni sandy.

"Goodnight daddy." Paalam naman ni Dylan. Niyakap rin siya ng mga ito at hinalikan sa pisnge. Umakyat na ito sa kwarto nila.

Siya naman ay lumapit Kay drake at iniabot ang kape na itinimpla niya.

"Salamat ha hindi ka nakukulitan sa mga anak ko." Sabi niya. Sa totoo lang gustong gusto niyang yakapin at halikan ang binata ngunit hindi siya naalala nito. Hindi niya rin alam kung maalala pa siya nito.

"Wala iyon. Anak ko rin sila at nagpapasalamat ako at inalagaan mo sila." Sabi nito. Ngumiti siya.

"I love them so much." Sabi niya.

Ininom nito ang kape at nagpaalam.

"Uuwi na ako. Isara mo ang pinto ha." Sabi nito. Tumango siya at hinatid ito sa pinto.

"Goodnight." Sabi niya.

"Goodnight." Sabi nito.

Naglakad na ito at sumakay ng kotse. Kumaway pa ito bago umalis. Kumaway siyang pabalik rito. Kahit paano ay makukumpleto niya na ang buhay ng anak niya. Kahit limot na siya ng ama ng mga ito.

-
Nagising si Sam sa ingay ng kanyang mga anak. Napangiti siya at pupungas pungas na bumangon.

"Mommy! Mommy! Gising na. Daddy's here." Sigaw ni Sandy. Bigla siyang napatayo at agad na naghilamos. Nakakahiya naman kung makikita siya nito na kagigising lang.

Matapos maghilamos ay lumabas na siya ng kwarto niya. Nakita niya si Drake na abala sa pagluluto sa kusina.

"Good morning." Sabi nito na nakangiti sa kanya.

"Good morning." Tugon niya.

Lumapit si Dylan sa kanya at sandy para yumakap.

"Good morning my." Sabi ni Sandy.

"Good morning mommy." Sabi naman ni Dylan.

"Good morning babies." Sabi niya sabay halik sa mga anak.

"Kain na tayo mommy. Nagluto si daddy." Sabi ni sandy. Excited na hinatak siya nito.

"Kain ka na Sam. Nagluto na ko." Sabi ni Drake na nakangiti.

"Ang aga mo naman." Sabi niya.

"Ah oo e. Namiss ko ang mga bata." Sabi nito. Ngumiti siya at kumain.

"Siya nga pala Sam. Pwede ko bang ipasyal ang mga anak natin?" Tanong nito.

"O-oo naman. Pwedeng pwede." Sabi niya na nakangiti.

Ngumiti rin si Drake at hinawakan ang kanyang mga kamay. Bumilis ang pintig ng kanyang dibdib.

"Salamat Sam." Sabi nito.

"Sige kaya Dalian niyo na kids. Maligo na kayo. Ipapasyal kayo ng daddy niyo." Sabi niya sa mga anak niya. Excited namang tumakbo ang mga anak niya sa banyo para maligo.

"Ayaw mo bang sumama?" Sabi nito.

"Ah e kasi.."

"Please. Sumama ka na. Alam kung gusto ng mga anak natin na mabuo tayo." Sabi nito.

"Ah. Sige." Sabi niya. Paano ba siya makakatanggi sa lalaking mahal niya?

Hayss. Ang hirap naman.

-
Matapos magbihis ay sumakay na sila ng sasakyan. Napangiti siya habang  pinagmamasdan ang kanyang mga anak na tuwang tuwa sa nakikita sa daanan.

"Kids, umayos kayo ng upo." Sabi niya sa mga anak.

"Mommy look oh!" Tuwang tuwang turo ni Sandy sa labas ng bintana. Kanina pa siya ganyan. Napangiti na lamang siya sa anak. Lahat na lang ata ng makikita nito ay ituturo. Habang si Dylan ay tahimik lang na nakamasid.

"Daddy San tayo punta?" Tanong ni Dylan sa ama.

"Surprise kiddo." Sabi nito.

"Yehey. I love surprise daddy." Sambit ni sandy na tuwang tuwa.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Kitang kita niya ang Saya sa mga anak niya. Tumingin siya sa gawi ni Drake.
Akala niya panaginip lang ang Sandaling ganito, ngunit Mali siya dahil ang dating pinapangarap niya ay nagkatotoo na. At iyon ay ang mabuo ang pamilya ng anak niya.
--

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Where stories live. Discover now