Chapter Ten (Jealousy)

543 13 0
                                    

Matapos ang date niyang iyon ay naging kampante na si Sam Kay drake. Hindi na siya umiiwas sa binata. Madalas rin siyang lumabas at kumain. Ngayon ay nasa office siya para tapusin ang kanyang trabaho. Byernes ngayon at weekends na bukas. May trip sila ni drake. Hindi niya alam kung saan pero excited na siya. Mag eempake pa siya ng bakit kaya naman minamadali niya na ang trabaho niya.

Habang busy sa trabaho biglang tumunog ang phone niya. It was drake.

"Hello." Sabi niya na nakangiti.

"Hi baby. I miss you. Excited na ko for tomorrow." Sabi naman nito.

"Haha. Kahapon lang magkasama tayo e." Sabi naman niya.

"Basta I miss you." Sabi nito.

"Hmm.. Malala ka na." Sabi niya.

"Oo malala na ang pag ibig ko sayo." Sabi naman nito. Hindi niya mapagilang kiligin.

"Ewan ko sayo." Sabi niya. "Sige na mamaya ka na lang tumawag. Tatapusin ko pa ang trabaho ko.

"Okay. Babye baby." Paalam nito.

Hindi mawala wala ang ngiti niya. Excited na siya sa weekend get away nila.

HINDI mawala ang ngiti niya sa labi Drake matapos ang pag uusap nila ni Sam. Ito lang ang babaeng kahit sa simpleng tawag ay napapasaya siya. Tumayo siya sa sofa para maligo ng makarinig siya ng katok. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang umiiyak na si Venice.

"Hey.." Sabi niya sa dalaga.

Agad siyang niyakap nito at humagulgol.

"Galit sakin si Greg. Akala niya niloko ko siya Drake." Sabi nito na umiiyak.

"Tahan na Venice. Hayaan mo kakausapin ko si Greg." Pag aalo niya sa dalaga.

"Salamat Drake ha." Sabi nito na bahagyang Ngumiti.

"Pasok ka muna." Paanyaya niya sa dalaga. Pumasok ang dalaga sa condo niya. Sa ngayon kailangan siya nito at nandito lang siya para sa dalaga.

PAUWI na si Sam ng makatanggap siya ng tawag Kay Drake.

"Hello."

"Ahm. Sam.. Gusto ko sana humingi ng paumanhin dahil hindi tayo makakaalis bukas. Si Venice. Kailangan niya ko ngayon." Sabi nito.

"Ah ganoon ba. Okay." Sabi niya malungkot.

"Oo e. Hayaan mo babawi Ako sayo." Sabi nito.

"Okay lang yun. Sige bye." Sabi niya. Malungkot na pumasok siya sa kwarto. May parte sa   puso niya na nasasaktan dahil alam niyang mahal ni drake si Venice.

Hindi niya natigilan ang pagtulo ng luha niya. She's jealous. Akala pa naman niya ay to too ang sinabi nito na liligawan siya. Mukha ng hindi pa ata matutuloy. Pinikit niya ang mga mata at pinahid ang luha niya. She needs to be strong for herself.

ILANG beses niya ng tinatawagan si Sam ngunit hindi siya nito sinasagot. Naasar na siya dahil alam niyang may kasalanan siya rito. Kaalis lang ni Venice sa condo niya. Sinamahan siya nitong magdinner. Mukhang ayos naman ang dalaga. Hindi na ito umiiyak. Bukas ay sasamahan niya naman ito na kausapin si Greg kaya hindi sila matutuloy ni Sam. Inis na binaba niya ang cellphone at kinuha ang kanyang jacket. Lumabas siya ng condo niya at pumunta sa parking lot. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Kung ayaw niyang sagutin ang cellphone pwes siya ang pupunta sa dalaga.

NAGISING si Sam sa ingay na nanggaling sa pinto ng bahay niya. Napabalikwas siya at tinignan ang orasan sa side table niya. Alas onse na ng gabi. Iinat inat siyang bumangon at tinignan ang nag iingay na cellphone niya. Si Drake ang tumatawag. Hindi niya iyon sinagot at kinuha ang kanyang roba at bumaba ng kanyang silid.

Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang nag aalalang si drake.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" Galit nitong tanong.

"Na-nakatulog Ako." Sambit niya. Bumuntong hininga si drake at Ngumiti.

"Akala ko galit ka sakin." Sabi nito. Hindi siya kumibo.

"Sam.." Lumapit ito sa kanya. Bahagya siyang lumayo.

"Umuwi ka na. Gabi na. Baka kailangan ka ni Venice." Sabi niya. Akamng papasok siya ng bahay ng hawakan ni drake ang braso niya.

"Baby.. Are you jealous?" Tanong nito.

"Hindi. Sino ba naman Ako?" Tanong niya. Bahagya siyang yumuko para itago ang luhang papatak na.

"Hey.." Sabi nito.

"Ju-just leave." Sabi niya ngunit hindi ito umalis. Lumapit ito at niyakap siya. .

"Sam, kailangan Ako ni Venice dahil nag away sila ni Greg. Yes I liked her but not anymore. Ikaw ang gusto ko. So please don't be jealous." Sabi nito. Unti unting umangat ang mukha niya. Pinahid nito ang luha niya at hinalikan ang noo niya.

"I'm sorry. Akala ko kasi."

"You don't have to say sorry. Ako ang dapat magsorry. Hindi ko agad nilinaw sayo yung tungkol Kay Venice." Sabi nito.

Ngumiti siya at niyakap si Drake. Kahit papaano ay nalinawan siya. Hindi siya dapat magselos dahil siya ang gusto ni Drake.

--

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Where stories live. Discover now