Chapter Three

650 9 0
                                    

Quezon City, Manila Philippines 

Abala si Samantha sa meeting niya kay Greg Sayson, ang may ari ng Sayson advertisement company na magiging partner niya sa endorsement ng bago niyang lines ng mga damit. Marami siyang kailangang asikasuhin kaya naman masyado siyang tutok sa opisina. 

"How's the contract? Do you like it?" tanong ni Greg kasma ang sekretarya nito. Nasa office siya ng lalaki.

"Yes, I love it Mr. Sayson. I'm looking forward to our business. Pasend na lang ng mga detalye sa sekretarya ko Mr. Sayson." sambit niya na may ngiti sa labi.

"Okay ms. Fuentavillo. Thankyou din sa partnership ng company natin." sabi ni Greg.

Natapos ang meeting nila sa isang simpleng lunch, nagpaalam na agad ang lalaki dahil may aasikasuhin ito. Siya naman ay pauwi na sa kanyang condo. Simula ng nag kolehiyo siya ay natuto na siyang manirahan mag isa. Sa ngayon may condo siya sa isang sikat na condominium sites sa Quezon City. Umupo siya sa couch, napagod siya sa kalahating araw ng trabaho niya. Mamaya babalik na siya sa office para asikasuhin ang mga iba pang papeles para sa launching ng bago niyang lines. Tumingin siya sa kisame, hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatitig roon hanggang dalwin siya ng antok.

 Tumingin siya sa kisame, hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatitig roon hanggang dalwin siya ng antok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edinburgh Scotland

"You're going to the Philippines." Diana said while looking at him. Huminga ng malalim ang binata at tumingin sa kanyang kapatid.

"What do you think your doing sis?" tanong niya sa kapatid. Umupo ng maayos si Diana sa harap niya. "Hindi ako uuwi ng Pilipinas." matigas niyang sambit sa kapatid.

"Really? Mom called, she wants to see you." sambit nito na halata ang pag aalala sa kanilang ina. Bumuntong hininga siya. Ito na naman ang kapatid niya, ginagamit na naman ang kanilang magulang para mapasunod sya.

"Ginagawa mo ba to dahil sa issue kay Francine?" tanong niya sa kapatid niya ngunit umiling lang ang kanyang kapatid at nagsalita.

"If that my reason, bakit pa kita pauuwiin sa Pilipinas? Drake our parents misses you. Last time i check, hindi ka pa umuuwi doon simula ng lumipat ang mga magulang natin doon." sabi nito

"I don't want to go there." he said while looking down to papers.

"If you don't want to go there, it's fine. I'll talk to them." Diana said. 

Umalis na ang kapatid niya na malungkot ang mukha. Bakit pa siya uuwi sa Pilipinas? Wala naman siyang rason para pumunta doon.

Quezon City Philippines

Nagising si Sam dahil sa ilang ulit na tunog ng kanyang cellphone. Iinat inat siyang tumayo, ala sais na ng gabi. Napasarap ang pagtulog niya. Unknown number ang tumatawag. 

"Hello. who's this?"

"Miss Fuentavillo sa Saint Catherine University po ito, bilang alumni ng school iniimbitahan ko po kayo sa alumni homecoming party. Isa kayo sa mga guest speaker ng taon. Sana po makarating kayo. Ipapadala na lang po namin ang imbitasyon." sambit ng kabilang linya.

"Okay, i'll wait for the invitation." sagot niya

"Thank you maam, see you po."

Pinatay niya na ang tawag at tumingin sa harap ng telebisyon. Ang SCU ang lugar kung saan nakilala niya ang taong nagpatibok sa kanyang puso. Imbitado rin kaya ang binata?

Hindi na siya nakatulog matapos isipin ang lalaki. Ilang ulit ba siyang aasa?

Edinburgh Scotland

"Sir, You have an invitation from the Philippines." sambit ng secretarya ni Drake. Nagtaka siyang tumingin sa empleyada niya. Ngayon lang siya nakatanggap ng imbitasyon na nagmula sa Pilipinas.

"From whom?" tanong niya.

"From a University sir, your alumni school." sagot nito. "They want you to be the guest speaker." dagdag pa nito. Hindi siya interesado sa imbitasyon ngunit parang may bagay sa loob niya na gustong pumunta sa pagdiriwang.

"Do i cancel it sir? send them email that you can't go?" tanong ng sekretarya niya. Tatango na sana siya ng biglang may pumasok sa opisina niya. Ang ate Diana niya.

"Drake we need to talk." sambit nito. 

"Bakit ate? Clizz you can go." sabi niya sa kanyang sekretarya. 

Umalis ang sekretarya niya, lumapit naman ang kapatid niya.

"You need to go to the Philippines." sabi agad nito

"I told you, i wont." giit niya,

"Mama is in the hospital. She's been there for almost a week, and she wants to see you." sambit nito. Naalala niya ang kanyang ina. "Drake, please be with our mother." pagmamakaawa ng kapatid niya. Bumuntong hininga siya. Hindi naman siya masamang anak para hindi puntahan ang kanyang ina.

"Okay, i'll book my flight immediately." tanging tugon niya sa kapatid.

Philippines? Here i come.

-

A/N: Till next update.

@ina fran (facebook account)

Greg Sayson at your monitor. 100 days to make him fall inlove leading man



His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon