Chapter Seventeen

506 8 0
                                    

Nasa isang sikat na resto si Sam. May imbitasyon siya mula sa mag asawang Sayson para sa isang dinner. Hindi naman siya busy at kaibigan niya ang mag asawa kaya naman pumayag siya.

Ilang minuto pa ay dumating na ang mag asawa ngunit nagulat siya sa kasama nito. Walang iba kundi ang lalaking kinamumuhian niya.

"Hi Sam. Pinaghintay ka ba naming mars?" Sabi ni Venice. Bumeso ito sa kanya at gumanti siya.

"Hindi naman mars. Ahm bat kasama niyo yan?" Sabi niya sabay turo sa binata.

"Ah si Drake. Nagpumilit e." Sabi ni Venice. Umupo na sila at tumawag na ang waiter. Nakatingin lang si Drake sa kanya.

"Kamusta ang pagbubuntis?" Tanong ni Venice.

"Eto medyo nabibigatan na ko. Haha." Sabi niya.

"Apat na buwan na lang mars magiging mommy ka na." Masayang turan ni Venice.

"Oo nga e. Sana mapalaki ko siya ng maayos." Sabi niya. Dumating na order nila at nagsimula ng kumain. Medyo natetense pa rin siya Kay drake pero kahit papaano ay kumakalma siya.

"Sino ama ng bata?" Tanong ni Drake. Bigla siyang nasamid sa tanong nito.

"Ah wala ka ng pakielam doon." Inis niyang sambit.

"Bakit kasi ayaw mong sabihin."

"Pwede ba? Tigilan mo ang kakatanong?" Galit niyang sabi.

"Unless tinatago mo talaga? Ako ba ang ama?" Tanong ulit nito.

Hindi siya nakapagsalita. Tumayo siya at nag paalam sa kaibigan.

"Aalis nako Venice. Kailangan ko ng umuwi." Sabi niya.

"Pasensya ka na made ah." Sabi nito.

Palabas na siya ng resto ng habulin siya ni Drake. Hinawakan nito ang braso niya.

"Tell me Sam. Is that my child?" Galit nitong tanong.

"Hindi! Hindi sayo to!" Galit niyang sigaw.

"Hindi ako naniniwala!"

"Edi huwag." Sabi niya. Aalis na sana siya ng bigla siyang pangkuin nito.

"Ano ba! Ibaba mo ko!" Sabi niya ngunit hindi siya pinakinggan nito. Dinala siya sa kotse at sapilitang isinakay.

"Ano bang problema mo? Bakit ba bumalik ka pa ng pilipinas?" Sabi niya.

"Bakit hindi? Kailangan ako ng mag ina ko."

"Hindi kita kailangan!" Sabi niya.

"Alam mo Sam mahal na mahal kita at wala among pakielam kung kaninong anak yang dinadala mo. Akin ka lang." Sabi nito.

Natigilan siya. Mahal siya nito? E bakit siya nito niloko?

"Baliw ka na. Ibaba mo na ko." Sabi niya.

"Ayoko nga. Sasama ka sakin. Hindi kita pakakawalan hanggat hindi mo ko napapatawad." Sabi nito.

Wala siyang magsawa kundi tignan sa bintana ang dinaraanan nila. Kahit among pakiusap niya ay hindi siya nito pinakikinggan.

Makalipas ang ilang minuto ay huminto sila sa condo nito. Bumaba ito sa kotse pagkatapos ay pinagbuksan siya.

"Kidnapping ito! Ipapakulong kita." Sabi niya.

"Wala akong pakielam." Sabi nito.

Inalalayan siya nito papasok ng condo.

"Dito mo ko ikukulong? Ayos ka talaga."

"Hindi. Mag eempake lang ako ng damit." Sabi nito.

"San tayo pupunta?" Sabi niya.

"Basta." Sabi nito. Matapos mag empake ay sumakay sila ng sasakyan. Kahit among protests niya ay ayaw siyang pakawalan. Sa habang ng biyahe ay hindi niya mapigilang makatulog.

-

Sa tagaytay niya dinala si Sam. Sa rest house ni Greg. Pinagmasdan niya ang mahimbing na natutulog na si Sam. Kung maibabalik niya lang ang panahon kung saan masaya pa sila ay ibabalik niya.

Pinangko niya ito at pinasok sa bahay. Sana sa pagkakatong ito ay kausapin siya ng dalaga. Kailangan niyang magkalinwan. Alam niyang mahal siya nito. Kaya naman buo na ang desisyon niya. Sa ayaw at gusto ni Sam ay pakakasalan niya ang dalaga.
Pero kailangan niya munang makausap ang magulang nito. Pagkatapos niyang halikan ang noo ng dalaga ay sumakay ulit siya sa kotse para bumalik ng maynila. Pupuntahan niya ang magulang nito.
--

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Where stories live. Discover now