Chapter Nineteen

503 11 0
                                    

Nagising si Sam na hindi katabi si Drake. Sa sofa ito natulog samantalang siya naman ay sa kwarto. Lumabas siya ng kwarto para mag kape ng makita niya ang kaawa awang lagay nito sa sofa. Sa sobrang laki ng katawan nito ay lumampas na ito sa sofa. Hindi niya mapigilang maawa. Nilapitan niya ito at ginising.

"Drake.."

"Hmm. Bakit Sam?" Tanong nito na pupungas pungas.

"Lipat ka na sa kwarto. Nahihirapan ka na diyan e." Sabi niya.

"Sigurado ka?" Sabi nito.

"Oo." Sabi niya.

Tumayo ang binata at pumunta sa kwarto niya at nahiga. Samantalang siya ay nagluto ng almusal niya.

Habang nagpiprito ng itlog ay hindi niya maiwasang isipin ang binata. Sa lamang buwan na nagkahiwalay sila ito lang ang pumupuno ng isip niya. Hindi lang naman puro galit ang nararamdaman niya rito. Minsan iniisip niya rin ang kalagayan nito.

Umupo siya sa stool at hinigop ang kape niya. Nagulat siya ng tumabi sa kanya si Drake.

"Good morning." Sabi nito.

"Hindi ka ba inaantok?" Tanong niya rito.

"Hindi naman. Nakatulog naman kasi ako kahit papaano." Sabi nito. Kinuha ito ng tasa at nagtimpla ng kape. Hinigop iyon at kinuha ng itlog at pinalamanan siya tinapay. Ibinigay nito ang tinapay at nagpalaman ulit.

"Salamat." Sabi niya.

"Anong gusto mong gawin dito?" Tanong nito.

"Gusto ko sanang mamasyal. Samahan mo ako." Sabi niya na nakangiti.

"Sige pag katapos natin mag almusal." Sabi nito.

Ngumiti siya. "Salamat."

"Wala iyon. Lahat gagawin ko para sayo." Sabi nito.

Hindi niya mapigilang mamula. Nakangiti iha at hinigop ang kape niya. Pagkatapos ay pumunta na siya s banyo para maligo.

Makalipas ang ilang oras ay nasa labas na sila ng bahay. Gamit ang kotse ni Drake ay nagpunta sila sa pamosong bulkan na taal volcano.

"Wow ang ganda pala rito no." Sabi niya na may paghanga sa mukha. Kinuha niya ng cellphone at pinicturan ang tanawin.

"Oo maganda nga." Sabi nito ngunit sa kanya nakatingin. Nagtataka siyang napatingin dito.

"Bakit ka ba nakatingin sakin? Kanina ka pa." Sabi niya.

"Pasensya ka na. Ngayon lang ulit kasi kita nakitang nangiti." Sabi nito.

"Ganoon? Kung hindi mo kasi ako iniwan Edi sana ayos tayo ngayon. Hinalikan kita sa condo mo pero wala ka na. Akala ko sumama ka na Kay Francine ba yun?" Sabi niya.

"Talaga?" Tanong nito.

"Oo. Sabi ng frontdesk sumama ka taw sa babae at umalis na sa condo." Sabi niya.

"Yeah. I'm with my sister that day. We flew to Singapore." Sabi nito.

"Sister? Kapatid mo? Talaga lang ha." Sabi niya na nakasimangot.

"Oo nga Sam. Si ate Diana iyon. Si Francine nauna ng umalis. Pinalayas ko siya." Sabi nito.

"Okay. Sabi mo e." Sabi niya. Tumayo siya para naglakad lakad. Sumunod sa kanya si Drake.

"Kamusta ang pagbubuntis mo? Pinahirapan ka ba niya?" Tanong nito. Huminto siya at tumingin sa binata.

"Kamusta pagbubuntis ko? Noong inang buwan, iyak ako ng iyak kasi nalulungkot ako pero kinaya ko naman. Palagi akong nahihilo at emosyonal pero salamat kila mama nakayanan ko ang pagbubuntis." Sabi niya.

Hinawakan ni Drake ang kamay niya.

"I'm sorry kung wala ako ng panahong kailangan na kailangan mo ako. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung niloko kita. Sorry kung sinukuan kita. Sorry sam." Sabi nito.

"Alam mo tama na yan. Sabi ko nga sayo hindi pa ako handang patawarin ka." Sabi niya.

Niyakap siya nito. "Kung pwede lang na ibalik ang dati sating dalawa ginawa ko na. Halos mabaliw ako ng iwan ka. Kinailangan Kong umalis para sa kompanya. Tapos ng malaman ko na buntis ka at ako ang ama, nawala lahat ng sakit dito sa puso ko kasi alam ko na may pagkakataon na akong baguhin ang sitwasyon sating dalawa. Wala man akong kwentang lalaki dahil niloko kita, kaya kong patunayan na kaya Kong maging mabuting ama para sa baby natin. Just give me a chance Samantha to prove how much I love you." Sabi nito. Nakatingin lamang siya sa mawalan habang yakap nito. Hindi niya mapigilang maluha. Niyakap niya pabalik ang binata.

"I'm sorry Drake kung matigas ako. I'm sorry. Hindi pa ko handa." Sabi niya na umiiyak.

"Shh.. Tahan na Sam. Okay lang iyon. I love you." Sabi nito.

Niyakap niya ito ng mahigpit at umiyak ng umiyak.
--

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Where stories live. Discover now