Chapter Fifteen

519 11 0
                                    

He was devastated. Ilang araw na siyang nagpapabalik balik sa bahay at opisina ni Sam ngunit hindi siya nito kinakausap. Araw araw rin siyang lasing. Kahit ilang beses niya itong kausapin ay tanging sekretarya lamang nito ang nakikipagkita sa kanya. Unti unti na siyang nawawalan ng pag Asa. Abala sa pag inom ng alak ng pumasok ang kapatid niyang si Diana.

"Nandito ka lang pala. Bakit umiinom ka?" Tanong nito.

Hindi siya sumagot. Alam niyang alam nito ang nangyayari sa kanya. Alam niyang may pinadala ito para bantayan siya.

"Yan kasi kung hindi ka playboy EDI sana hindi galit si Sam sayo." Sabi nito.

"Ate pwede ba. Your not helping me." Sambit niya sabay lagok ng alak.

"Hmm. Pasensya na pero nandito ako para sabihing kailangan mo ng umuwi sa Scotland. Kailangan ka ng kompanya." Sabi nito.

"Hindi ko kanyang iwan si Sam." Sabi niya.

"Yeah I know pero ang kompanya ang pinag uusapan rito. Alam kung mahal mo siya pero kailangan kita." Sabi nito.

"Just give me some time. I need to talk to her." Sabi niya.

"Okay." Sabi nito at umalis na sa condo niya.

-
Ilang araw ng masama ang pakiramdam ni Sam. Nahihilo at nagsusuka siya. Sa ngayon ay sa mansyon siya nakatira kasama ang magulang niya.

"Okay ka lang iha? Nanlalata ka." Tanong ng kanyang ina.

"Ahm okay lang ako ma. Medyo nahihilo lang ako." Sabi niya.

"Magpacheck up ka na iha. Mukhang hindi Biro yan." Sabi ng kanyang ama.

"Opo papa. Mamaya bago pumasok sa opisina pupunta ako Kay doctor Dela Vedra.

"Good." Sabi ng ama. Kakain na sana siya ng biglang makaramdam na naduduwal. Dali dali siyang tumakbo papunta ng lababo.

Hindi rin maganda ang pang Amoy niya. Nababauhan siya sa bawang.

"Alam mo iha huwag ka ng pumasok. Hindi maganda ang lagay mo." Sabi ng ina.

Tumango na lamang siya para hindi mag akala ang kanyang magulang. Matapos mag almusal ay pumunta siya sa hospital. Nagpacheck up siya.

"Doc may sakit ba ako?" Tanong niya.

"Hindi. Healthy ka at normal lang yan. " sabi nito.

"Ha?" Tanong niya.

"Yes. Normal lang yan kasi two weeks pregnant ka." Sabi nito.

Nanlamig ang katawan niya sa marinig. Buntis? Nagbunga ang pagmamahal niya Kay Drake.

"Okay ka lang?" Tanong ng doctor sa kanya.

"O-oo. Sige. Salamat."

"You're welcome. Basta bilin mo lahat ng nireseta kung vitamins at uminom ka ng gatas palagi. Sige." Paalam ng doctor sa kanya.

Unting unting tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan. Masaya siya ngunit Paano na to? Lalaking walang ama ang kanyang anak. Simula noong isang araw ay hindi na nagpakita sa kanya si drake. Nag paalam lang ito sa kanya at humingi ng paumanhin.  Napahawak siya sa impis niyang tiyan.

"Baby.. I'm sorry." Sabi niya sa anak. Kahit na wala itong ama ay sisiguraduhin niya na aalagaan niya ang anak. Ipinapangako niyang palalakihin ito ng buong pagmamahal.

-
Ilang buwan na rin mula ng Umuwi si Drake sa Scotland para pamahalaan ang kompanya. Mahirap pa rin para sa kanya ang paghihiwalay nila ni Sam ngunit kahit paano ay nakakalimot limit naman siya. Lagi niyang Inaabala ang sarili sa trabaho sa umaga tapos nilulunod naman niya sa alak ang sarili sa gabi.

Mahal na mahal niya si Samantha. Ito lang ang babaeng minahal niya ng sobra. At hinding hindi niya makakalimutan ito.

"Hmm. Lasing ka na naman." Sabi ng kapatid niya. Hindi siya sumagot at tumabi ito sa kanya.

"Alam mo bang may balita ako baling pilipinas?" Tanong nito sa kanya.

"I'm not in the mood." Sabi niya.

"Ay ganoon. Sayang tungkol pa naman Kay Sam." Sabi nito.

"What about her?" Tanong niya.

"Akala ko ba wala ka sa mood?" Tanong nito.

"Ate ano ba?"

"Hmm. Sabi ng kaibigan ko buntis daw ang dating mong nobya." Sabi nito.

Parang may sumuntok sa puso niya. Nilagok niya ang alak at humiga sa kama niya. Mukhang nakalimutan na siya ng dalaga at nagpaanak na sa iba.

"And guess what. 5 months na siyang buntis. Hindi ka ba nagataka bro. Lamang buwan din ang nakakalipas ng iwan mo ang pilipinas." Sabi ng kapatid niya. Napatayo siya sa sinabi nito.

"So it means?" Tanong niya.

"So it means na pwedeng sayo ang bata unless hindi kayo nagsex ni Sam." Sabi nito. Unti unting nag sink in ang sinasabi ng kapatid niya.

"Oh shit. I need to call the airlines. I need to book a flight." Sabi niya.

Uuwi siya ng Pilipinas para kausapin si Samantha. Wala siyang pakielam kahit ipagtabuyan siya ng dalaga. Hindi siya papayag na mawalan ng kikilalang ama ang anak niya.
-

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon