Chapter Eighteen

504 8 0
                                    

Nagising si sam sa malambot na kama. Puti ang kulay ng Dingdong at asul naman ang kurtina. Maganda at malinis ang kwarto at alam niyang hindi ito ang silid niya. Dahan dahan siyang bumangon. Nakakaramdam na siya ng gutom.

"Gutom ka na baby? Hahanap lang ng pagkain si mommy." Sabi niya sa lalaki niyang Tiyan habang hinihimas ito. Pag labas niya sa kwarto ay bumungad sa kanya ang malinis na sala. Walang tao roon. Naglakad siya papunta ng kusina, wala ring amino ni drake roon. Kahit sa banyo ay wala rin.

Saan naman kaya nagpunta yun? Anang ng isip niya. Binuksan niya ang ref at tinignan ang laman noon. Bukod sa tubig ay wala ng lamang iyon. Tinignaniyan niya ang cabinet buti nalang may naligaw na tinapay at pala man roon kung hindi ay bubugbugin siya si Drake pag nakita niya to. Kinuha niya ang tinapay at pinalamanan saka kinain ang pinalamanan niya. Abala siya sa pagkain ng biglang may pumasok sa bahay. Si Drake. May bitbit na mga plastic. Mukhang namili ang binata. Lumapit siya sa mga pinamili nito at tinignan.

"Ang dami naman nito. Ilang araw ba tayo dito?" Tanong niya.

"Depende sayo. Kung kailangan mo ko papatawarin?" Sabi nito.

"Hinahanap na ko ng magulang ko." Sabi niya.

"Wag kang mag alala. Pinagpaalam kita." sabi nito.

"Hindi ako naniniwala. Akin na ang cellphone ko." Sabi niya.

Iniabot nito ang cellphone niya at tinawagan ang mga magulang niya. Isang ring pa lang ay sumagot na ang mama niya.

"Mama. Kinidnap ako." Bungad niya sa ina. Ngunit tumawa lamang ang ina niya.

"Iha wag ka ngang magpatawa. Sinabi na sakin ni drake ang lahat. Mag usap kayo ng dalawa. Kahit huwag ka ng umuwi." Sabi nito.

"Pero mama-" pinutol na nito ang tawag.

"Loko loko ka talaga! Anong sinabi mo kila mama!" Galit niyang sambit Kay Drake.

"Wala. Sinabi ko lang ang totoo." Sabi nito na kampanteng nakaupo sa sofa. Napabuntong hininga siya at umupo sa tabi nito.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong makampante sayo." Sabi niya.

"Bakit naman hindi? Ako ang ama ng anak mo at ikaw ang mahal ko." Sabi nito na nakangiti. Binatukan niya ito.

"Ang kapal ng mukha mong bumalik pa. Matapos mo Kong buntisin hayop ka. Niloko mo pa ko." Sabi niya sa galit.

"So ako nga ang ama?" Tanong nito.

"Syempre. Anong akala mo sakin?" Sabi niya.

Tuwang tuwang tumalon si drake at pinaghahalikan siya.

"Yes! Daddy na ako!" Sigaw nito.

Natawa siya sa reaksyon nito. Kahit papa ano ay masaya siya na masaya ang binata na magiging ama na ito.

"Tigilan mo na yan. Ipagluto mo ako. Yung masarap." Sabi niya.

"Yes babe!" Sabi nito at masaya ng nagluto. Kahit Anong tago niya ay namiss niya ang binata. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya ito. Hinimas niya ang Tiyan niya at ngumiti. Sumipa kasi ang baby niya. Parang nararamdaman nito na kasama niya ang ama nito.

"Yes baby, I'm happy too." Bulong niya sa sarili.

-

Matapos magluto ay tinawag na siya ng binata. Naghanada na ito ng pagkain. Tahimik lang siyang kumakain. Ayaw niyang kausapin si Drake. Naiinis siya sa lalaki.

"Babe masarap ba?" Tanong nito.

Hindi siya kumibo. Ngunit nangulit ang binata.

"Babe. ."

"Huwag mo nga akong tumatawag na babe. Hindi porket ama ka ng anak ko e napapatawad na kita sa ginawa mo." Masungit niyang sambit. Tumayo si drake at lumuhod sa harap niya.

"Babe. Patawarin mo ako. Nagkamali ako pero mahal na mahal kita. Kayo ng magiging anak ko. Patawarin mo na ako." Sabi nito na maluha luha. Nakaramdam siya ng habag.

Bumuntong hininga siya at nagsalita.

"Sa ngayon hindi ko pa kaya drake. Kaya please hayaan mo muna ako. Pasensya ka na." Sabi niya.

Tumayo ito at niyakap siya.

"Okay lang sakin Sam. Maghihintay ako. Mahal kita." Sabi nito.

Tumango siya at bahagyang ngumiti.

"Kumain na tayo ha." Sabi niya.

Kahit gustong gusto niyang patawarin ito hindi niya magawa. Masakit pa rin kasi. Masakit pa ring malaman na niloko ka ng taong pinag alayan mo ng lahat sayo.
--
A/N: Magbati na kayo.

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Where stories live. Discover now