Chapter Twenty

511 11 0
                                    

Gabi na ng nakauwi sila Drake. Kumain sila sa labas dalawa kaya naman matutulog na lang sila pag uwi. Nakahiga na si sam, kagabi niya si drake na mahimbing na natutulog. Tinitigan niya ang mukha nito. Ang gwapo talaga ng binata.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito at ninakawan ng halik ang binata. Pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit.

"I loveyou." Bulong niya bago siya kainin ng antok.

-
Narinig ni Drake ang sinabi ni Sam. Nakangiti siya at niyakap ang dalaga ng mahigpit. Tulog na tulog ito. Hinalikan niya ang noo nito.

"I loveyou too. Mahal na mahal kita."

-
Nagising si Sam na may tumutusok sa puson niya. Hindi niya alam kung ano iyon kaya naman tinignan niya ang nasa ilalim ng kumot. Halos pumula ang buong mukha niya at agad na tumayo.

"Hmm.. Babe." Sambit ni Drake na pupungas pungas. Tumingin ito sa kanya na nagtataka. "Babe? Bakit pulang pula ka diyan?" Tanong nito.

Itinuro niya lang ang maselang parte ng katawan nito.

"Bakit ang tigas niyan? Tanggalin mo nga sa harap ko yan!" Nahihiyang sabi niya. Natawa si Drake.

"Sorry babe. Its normal. Morning erection." Sabi nito. Lalo siyang namula.

"Che. Ilayo mo sakin yan!" Sabi niya at humiga ulit sa kama. Inaantok pa siya. Niyakap siya nito kaya naman lalo niyang nararamdaman ang matigas na bagay sa  loob ng panloob nito. "Ano ba drake!?" Sigaw niya. Ngunit hinigpitan lang nito ang yakap sa kanya.

"Babe please.. Wag mo akong palayuin sayo." Sabi nito. Humarap siya rito at tinitigan ang mga mata nito.

"Noong nasa ibang bansa ka ba nakipagsex ka sa iba?" Tanong niya.

"Hindi." Sabi nito. Kitang kita na hindi ito nagaisinungaling sa kanya.

"Bakit hindi?" Tanong niya

"Ayokong lokohin ka ulit. At saka hindi ikaw ang mga babae doon. Ayoko sa kanila." Sabi nito.

Niyakap niya ito.

"Huwag mo na akong iiwan ha. Hindi ko na kakayanin drake." Sabi niya.

"Oo babe. Promise." Sabi nito at hinalikan siya sa labi. Hindi niya naoaigilan ang sarili ng tugunin ang halik nito.

"I loveyou." Sabi nito.

Hindi siya kumibo at yumakap lang sa lalaki. Ayaw niyang sabihin na mahal din niya ito. Ayaw ng maging marupok.

-
Halos isang linggo na silang mag kasama ni Drake. Sweet ang binata at malambing kaya naman lagi siyang kinikilig. Simula ng sapilitan siyang isinama nito sa tagaytay ay inalagaan siya nito ng husto. Lagi itong nasa tabi niya.

Namalengke sila ng araw na iyon. Naglalakad sila ng biglang may lumapit rito na babae at yumakap. Nakaramdam siya ng inis dahil yumakap pabalik si Drake.

"Nandito ka pala? Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ng babae. Mukhang close sila.

"Pasensya na busy kasi ako. Siya nga pala Sheena. Si Sam girlfriend ko." Sabi nito.

"Hello. I'm sheena." Pag papa kilala nito. Tumango lamang siya at bahagyang ngumiti.

"Ang dami mong ikekwento drake." Sabi nito at kumindat. Sa inis niya ay lumayo siya sa dalawa. Iniwan niya ito at na una ng umuwi.

Naasar siya dahil mukhang close ang dalawa at parang excited na excited makausap. Kita rin Kay drake na masaya itong kausap ang dalaga.

Halos isang oras na ng makauwi siya ng dumating ang binata. Hindi talaga siya nito sinundan.

"Bakit ngayon ka lang!?" Tanong niya.

"Nagkayayan kasi kami ni Sheena na kumain sa labas. Hindi kita sinundan kasi nakakahiya Kay Sheena." Sabi nito.

"Sa kanya nahiya ka pero sakin hindi. Dapat di ka na umuwi. Doon ka na sa babae mo!" Galit niyang sigaw rito.

"Babae? Si Sheena? Nagkakamali ka Sam." Sabi nito.

"Huwag mo Kong lolokohin! Sinungaling ka talaga! Dapat di na ko naniwala sayo! Bweset ka." Sabi niya sa sobrang galit ay binato niya ng paso ang binata ngunit nakailag ito.
Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"Babe.   Si Sheena ay pinsan ko." Sabi nito. Natigilan siya.

"Niloloko mo ba ako?" Tanong niya. Natawa si drake at hinalikan ang labi niya.

"Tama nga ang sinabi niya. Nagseselos ka. Oo si Sheena ay pinsan ko. Hindi ko siya maiwan kasi nahihiya ako. Matagal na kaming hindi nagkita. Gusto ka raw niyang makilala. Huwag ka ng magselos. Mahal na mahal kita at hindi kita ipagpapalit kanino man." Sabi nito. Unting unting nawala ang galit niya at ngumiti. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo ko niloloko." Sabi niya.

"Oo mahal hinding hindi kita lolokohin. I love you." Sabi nito.

"I love you too. Akin ka lang." Sabi niya na nakangiti. Tumango si Drake at hinalikan siya. Tuluyan niya ng napatawad ang binata at mahal na mahal niya ito.
-

His Damn Weakness (100DTMHFI book 2) Drake and Samantha *Unedited)Where stories live. Discover now