Kabanata 18

14.1K 363 4
                                    

Kabanata 18

In the end I didn’t make it to compete. Kahit na ayos na ako at okay na ang pakiramdam ko ay hindi pa din ako pinayagan ni mama na magcompete. Kahit na si papa ay sinang ayunan din ang gusto ni mama na magpahinga na lang ako sa bahay. Even Deyron stay too. Hindi ito pumapasok sa Corrins Empire for two days now.

The rest of the Corrins visited me. They are all so worried but I told them that I am okay now. Nanghihinayang lang ako sa competition at siguradong madaming fans ang nadisappointed dahil hindi ako nakalaro. Mabilis namang kumalat ang balita tungkol sa nangyare sa akin. Deyron decided to hire private bodyguards for me. Pero dahil hindi ako komportable sa ganoon sinabi niyang hindi ko mapapansin ang mga bodyguards na ihahahire niya at hindi sila makakadistract sa akin. I can still continue my normal life at wala namang magbabago doon. Iyon nga lang medyo maghihigpit ang management pagdating sa mga pagtanggap ng regalo at ang mga meet up ko sa mga fans. Wala munang mga ganoon pagkatapos ng nangyareng insidente. Si Emman naman ay nakakulong na at si Deyron ang umaasikaso sa kasong isasampa sa lalaki. He told me not to worry about that kaya ganoon ang ginawa ko.

At para malibang ay niyaya niya akong pumasyal sa mansion nila Elysian kung nasan ang lahat ng pinsan niya.

“Ate Cassidy, baka matunaw si Kuya Deyron!” pang-aasar ni Ishelle at kinindatan pa ko ng bumaling ako sakanya.

Narinig nila Deyron ang pang-aasar ni Ishelle saakin at napatingin siya sa gawi ko kita ko kung paano umangat ang sulok ng labi niya habang kinakausap siya ni Park at dahil doon pati ang mga pinsan niyang lalaki ay napatingin na din saakin at parang nakuha na nila kung anong nangyayare.

“Iba na ba tama mo kay Deyron, Cass?” nakangising tanong ni Ashen at lumapit na din saamin nila Ishelle. Pati sila Deyron ay naglakad na din papunta sa kinaroroonan namin. Nasa kabilang table kasi sila kanina at busy maglaro ng pingpong samantalang kami namang mga babae ay nasa kabilang side nagkukuwentuhan habang kumakain ng chips.

Napailing lang ako sa tanong ni Ashen at gumanti ng ngisi sakanya. Agad na tumabi si Deyron saakin at yumakap.

“Pero wala ng lalala sa tama ni Deyron sayo, Cass.” iling ni Pierre bago kumuha ng bagong chips at binuksan iyon.

“Syempre ikaw ba naman sumunod sa yapak ni Elysian.” halakhak ni Ashen sabay tingin sa puwesto nila Zoey at Elysian.

Nakahiga sa hita ni Zoey si Elysian at mukhang natutulog ang lalaki. Mahina na lang na natawa si Zoey kay Ashen at sumenyas na huwag itong maingay at baka magising si Elysian.

“You two stop pestering them. Get a life or get married.” Suhestyon ni Park na agad na ikinasimangot ng dalawa.

“I'd rather get laid than to get married.” iling ni Ashen tila takot sa salitang kasal.

Si Pierre naman ay parang hindi nakapagsalita sa sinabi ni Park at parang may malalim na iniisip maya-maya pa ay nagpaalam ito na uuwi at aalis na.

“Anong nangyare kay Pierre?” takang tanong nila Selene.

“It was about Rain I guess.” kibit-balikat na sagot ni Ashen.

“Si Rain? What happened to her?” nag-aalalang tanong ko.

“Oh. Walang masamang nangyare kay Rain, Cass. No need to be worried.”paglilinaw ni Ashen.”But she's engage to someone at iyon ang pinoproblema ni Pierre. The Hrysos needs a queen and a king that will rule their kingdom.”dagdag niya.

"She’s engage!?"sabay-sabay na reaskyon naming mga babae. Kahit si Zoey ay nabigla din.

Ang mga lalaki naman ay parang alam na ang balita ni Ashen.

Dangerous Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon