Kabanata 16

4.9K 141 0
                                    

Kabanata 16

After ng dinner namin sa bahay nila papa ay umuwi na din kami. Hindi na kami masiyadong nagtagal dahil baka gabihin na kami sa biyahe medyo malayo pa naman ang bahay nila papa sa mansion nila Deyron.

Pag-uwi namin ay saktong tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko kung sino iyon nakita kong hindi nakaregister ang number sa contacts ko. Sino naman ‘to? At paano niya nakuha ang number ko?

Binasa ko ang message niya at agad na kinalabutan sa mensahe na ipinadala ng estranghero sa akin.

‘ Napakaganda mo talaga, Cassidy. Kahit kelan ay hindi nakakasawa pagmasdan ang kagandahan mo hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na isiping katabi kita sa mga oras na ito habang ang katawan natin hubad at walang saplot.’

At gumamit pa siya ng mga emojis na mahahalay ang ibig sabihin. Dinelete ko ang text nito at blinock ang number. Maybe he’s one of those crazy creepy fans.

“Who texted you?” napalingon ako kay Deyron tsaka muling binalik sa bag ang cellphone. “Wala. Unknown number lang.” sagot ko.

Matagal siyang tumitig sa akin bago sa huli ay tumango sa akin.

“Aakya na ako sa taas para makapagshower.” Paalam ko.

“Ok. I’ll just call Ely and I’ll go to our room after.” Aniya.

“Sige.”

Hindi na ako nilubayan ng baliw na stalker na iyon. Kahit ilang beses kong iblock ang iba’t ibang number na ginagamit niya ay nakakahanap pa din siya ng paraan para matext ako. This thing is been keep going on for three days now. Ngayon ay nagpalit na ako ng bagong number. Isinave ko ang number doon ni mama, papa at ang kay Deyron. Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin kung paano nalaman ng stalker na iyon ang number ko at parang alam niya lahat ng pupuntahan ako at kung nasaan ako.

“Cass, may nagpapabigay ng bulaklak sayo. Secret admirer mo ata iniwan lang kasi sa labas.” Si Camz na may dala-dalang boquet of flowers. Roses iyon at may card na nakalagay ang pangalan ko maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko kung sino ang nagtext nakita kong unknown number nanaman iyon. It’s him again! Kakapalit ko lang ng number kaya paano nanaman niya nalaman? Inis kong binasa ang mensahe niya may kutob ako na sakanya din galing ang mga bulaklak na dala ni Camz at hindi nga ako nagkakamali siya nga ang nagpadala ng bulaklak.

‘ Sana magustuhan mo ang bulaklak na iyan. At sana sa tuwing may magbibigay sayo ng roses ako ang maalala mo. Mahal na mahal kita, Cassidy at sisiguraduhin ko na magiging akin ka.’

“Cass, okay ka lang?” nag-aalalang tawag sa akin ni Camz.” Namumutla ka. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”

Itinago ko ang cellphone ko at pilit na ngumiti.”Ayos lang ako. Wala lang ito magpapahinga lang ako saglit.”I told her.

“Ganoon ba? Mabuti pa nga ilang araw ka na ding subsob sa practice e.” she nodded then her gaze lower on the boquet of roses she’s holding.” Oh eto para sayo baka sakaling mainspired ka dahil bigay ng fan mo.” She smiled.

Kahit ayokong kunin ay tinanggap ko ang bulaklak at ng makaalis na si Camz ay itinapon koi yon sa trash bin. Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili. Wala lang iyon. Kung sino man ang taong iyon ay siguradong baliw na siya! Hindi dapat ako magpaapekto lalo na at malapit na ang susunod na competition ko kailangan kong magensayo at magfocus.

“Cass!” muntik na akong mapatalon ng gulat ng sumigaw si David. Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.”Ano?” mataray na tanong ko.

“Sorry naman.” Napanguso ito.”Tatanungin ko sana kung ayaw mo na ba niyang sushi na nasa plato mo baka puwedeng akin na lang?”tanong niya sabay ngisi sa akin.

Dangerous Billionaire Where stories live. Discover now