RR_The Final Exposé

64 3 1
                                    

Chapter XXXVII:

Makikinita mula sa labas ng glass wall nang nasabing coffee shop ang dalawang taong masayang nag-uusap. Sa di kalayuan naman naka-pwesto ang batikan at kilabot na sniper. Tumitiyempo lamang ito ng magandang pagkakataon upang maisagawa ang nakakapanindig-balahibong plano.

Samantala, walang kaalam-alam ang taong tudlaan na naisalang na sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay.

(Blake POV)

"I'm happy for you Boo that you finally find your true happiness." Ang nawika ko matapos maibaba ang tasa ng kape sa saucer.

Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Sicily habang humihigop ito ng kape mula sa hawak na tasa.

"Thanks Shoo!" aniya nang maibaba ang tangang tasa. "Anyway. . . pursue your happiness, Blake. I'm certain it's what your heart desires." Dagdag pa nito saka ginagap ang kamay ko.

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.

"I don't know any more Boo if I could still win her back. She's already engaged to be married. Worst . . . she's. . . she's---- " I deliberately stopped myself and cocked my head to one side recollecting thoughts.

It's been a week since the Gala Night took place. I was already expecting them to come. Pero iba pala talaga na makikita nang dalawa mong mata ang babaeng lihim na itinatangi ng iyong puso na masaya sa piling ng taong mapapangasawa niya.

Hindi niya lang alam. . . abot-langit ang pagpipigil ko sa sarili na kulungin siya sa mga bisig ko at pupugin ng halik nung nakipagkamay ako sa kanya, as a sort of courtesy. Nang mga sandaling iyon gusto ko siyang hilahin mula sa prinsipeng iyon at hapitin sa beywang palapit sa akin, dangan lamang at nagawa ko pang makontrol ang nag-uumigting na pagnanasa na mapalapit ng husto sa tabi niya.

Pero ang pagkakataon nga naman. . . ang ganda humanap ng tiyempo. Pag nangyaring nasosolo ko na si Sam, siya namang pagsusulputan ng maraming abala. Nakakapang-init lang ng ulo. Ginagambala nila ang momentum ko. -__-+

Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman, kung paano ko siya kokomprontahin at pakikiharapan.

Marahas na napailing ako. Wari bang iwinawaksi sa isipan ang lahat ng negatibong pananaw. Kailangan kong sumubok kahit na katiting lang na pag-asa ang panghahawakan ko.

". . .difficult to handle. . ." Dugtong ko ". . .but I'm way more determined to have her back into my life." Pansamantala ko munang iwinaglit ang katotohanang isa siyang dugong-bughaw at ako ay isang ordinaryong mamamayan lamang. Saka ko na lang isaalang-alang ang parting iyon. Ang mahalaga makausap ko muna siya ng masinsinan.

"That's the spirit Shoo! Fighting!" sabad naman ni Sicily na bahagya pang dumukwang just to pat my shoulder and ruffled my hair.

"Hey. . . you ruined my style Boo!" kunwang pagmamaktol ko.

She just smirks at me and settled herself back and began to sip her already half-filled cup.

I hide my amusement on this naughty lady infront of me. To think that for several years I've been living in the past with her memory invading and filling me. It was living in retrospection way back then, until "she" arrives. It's as if she dropped a bomb shell and creates a huge explosion. But definitely I love her destruction, her sweet invasion.

Sicily glanced at her wristwatch, then addressing me.

"As much as I like to be in your company Shoo but I really have to go. Alam mo na. . . some things never changed."

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon