RR_Chemist Dustin Fleming

69 3 0
                                    

Chapter VIII

(Sam POV)

Ikalawang araw ko na ngayon sa bago kong trabaho.

At ayon sa schedule ko, 9am-11am ang morning shift at 2pm-4pm naman ang afternoon shift.

Well, ayos lang din naman, kung ganoon.

As usual, ganun parin. Teaching the kids with basic punching and kicking moves. From morning til afternoon.

Finally, natapos na din.

Napasalampak ako ng upo sa sahig.

Hinubad ko ang pang-itaas ko na suot, dahil nakapang-tkd uniform pa ako.

Tutal, may undershirt naman akong suot. na black racer-back type na sando.

Pinagpapawisan pa ako at nagpupunas nalang din ng pawis sa leeg.

Nasa ganoon akong posisyon ng maulinigan kong may nagsasalita.

"Ahm, excuse me, Miss!.. Masyado ka bang pinagod ng mga estudyante mo??"

Napalingon ako sa nagsasalita.

Bahagyang napaawang ang bibig ko sa nakikita.



Well the guy was undeniably handsome. Pilyo ang aura ng pagkakangiti nito. Na para bang, isang ngiti lang nito ay mapa-oo na nito ang babae.

A one sought after bachelor. Ngunit, nakakalamang pa rin si Blake!...

Napailing-iling ako.
No... Shake it off!... Shake that thought off!!..

"Well, hindi naman masyado.! Nakaka-enjoy din naman ang pagtuturo sa mga bata!."

Napatungo na lang ako ng di-oras.

Damn..

Pa'no ba naman kasi, kanina pa nakatutok sa akin yung lalaki. Para bang kakainin ako ng buhay. Sige, subukan mo lang lumapit at talagang lulumpuhin kita habambuhay!..

"Ahh.. lalapit ako sa iyo, huh?? Pero, pakiusap, wag mo namang gamitin sa akin ang nalalaman mo sa martial arts!.. Sayang ang lahi ko, kung magkaka-pasa mukha ko!.. Please...please..."

Para naman itong bata kung maka-asta!..hahahahaha.... napangiti tuloy ako kapagkuwan..

"O.. ayan, huh??? nakangiti ka na!.. Ibig sabihin ba nyan, eh ayos lang na lumapit ako sa 'yo!.. Ahm... syangapala, I'm Dustin Fleming!.. The Production Head of this company, and well... the Head Chemist.. I'm still single, and very much available!.. " sabay kindat sa akin.

Aba, kinindatan pa ako..Ano kaya trip neto??

"Sam.... Samantha Santorini!.." at tinanggap ko ang kanyang palad na nakalahad... shake hands daw...

"So... do you mind if I invite you for a dinner?? Sort of a welcome dinner for our new staff... part of welcoming you in this company!!.. So, how about that??"

"Okay!... I'll chnage first!.."

"Sure, take your time!..."

Hindi ko alam kung bakit ako agad pumayag na makipag-dinner sa isang 'to!..

Well at least I can make friends with some other company staffs.

Kakalabas ko lang sa locker room nang marinig kong magsalita si Dustin..

"Beautiful!..."

Ano daw??? Beautiful? Ano daw ang maganda sa t-shirt at jeans at saka rubber shoes?! Hindi ba marunong tumingin sa mga tunay na magaganda?? Iyon bang nakasuot ng dress at heels!.. O baka naman nambola lang ang trip?? Di bale na nga!.. Dedma lang ang show...

Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now