RR_ A Kiss in the Moonlight

61 1 0
                                    

Chapter XXVI


(Sam POV)

Pagkagaling ko ng CR, hindi sinasadyang doon ako napadpad sag awing likuran. Marahan kong nabatukan ang sarili.

Kung ganun pala, maling pinto ang nalabasan ko! Ka-dami ba naman kasing pinto ang banyo nila! Marahil iba ang entrance tsaka ang exit! 


Sa di kalayuan may namataan akong dalawang bulto. Isang kapre at isang impakta! Di ...joke lang! I mean mga alien--este mga tao pala! Natatanglawan sila ng ilaw-dagitab na nagkalat sa patio. Lumapit ako ng kaunti. Nacu-curious lang kasi ako eh! Parang may malakas na pwersa ang humihigop sa akin palapit dun sa dalawa. Kinutuban ako na di mawari. Basta ang instinct nagsasabi sa'kin na kilala ko 'daw' ang mga iyun! Nung mga tatlong metro na lang ang layo ko sa kanila, bahagya akong napasinghap. Agad kong naitakip ang kamay ko sa bibig bago pa ako makalikha ng anumang ingay.

Ang babaeng iyun... yung minsang nanglait sa akin unang beses pa lang na nagtagpo kami. Tama! Siya nga iyung babaeng mahilig sa REVEALING na mga damit. Iyung nakita naming sa restaurant na kung saan ako tin-reat ni Dustin ng isang dinner. It was Bridgitte! At ang lalaking kalampungan nito ay walang iba kundi si... Marahas akong napatalikod. Masyado nang kalabisan ang presensya ko dito.

Ngunit nakailang hakbang pa lang ako, isang ingay ang nilikha dulot ng naapakan kong tuyong dahon. Napalingon sa gawi ko ang dalawa.

Ugh!

Mukhang mahuhuli pa ata ako ng mga ito!




"SYSI?! Sysi, Sweetie! Wait!" tawag sa'kin ni Blake.

Yeah... your assumptions are right. Ang lalaking kalampungan nung impaktang Bridgitte na yun ay walang iba kundi ang fiancée ko. Ehem... 'fiancee kuno'! 

Nagmamadali na akong tumakbo paalis sa lugar na iyun naiinis ako. Ewan ko ba! Parang gusto kong ibalibag ang impaktang iyun.  Tsaka si Blake naman, ayun mukhang nag-eenjoy pa sa pakikipaglampungan sa kanya nung babaeng nagbibilad ng kaluluwa sa harap niya. 

Tsss...magsama sila! Grrrr.. ang sarap nilang katayin at ipatapon sa Basilan. Aacckk...


"Aray ko po!" impit kong daing nang matapilok ako. Akma akong tumayo ngunit napasalampak lang ako uli paupo dahil sa sakit.

Agad rin akong naabutan ni Blake at biglang dinaluhan. Sinipat nito ang paa kong nasaktan. Bahagya pa nya itong hinihilot. Tumayo ito sandali at may kinuhang kung ano sa tabi-tabi. Pagbalik nito may dala itong mga dahon. Ginamit nya itong panlapat sa paa kong kumikirot. Wow, huh! Si Blake maalam sa alternative medicine! May pagka-albularyo pala itong tinatago.

Effective ang gamot nya,huh! Malamig sa paa. Medyo nawala na nga iyung kirot. Sinubukan kong tumayo, ngunit laking gulat ko ng bigla na lang akong pinagko ni Blake.


"Wag mong pwersahin ang sarili mong tumayo. Baka lalo lang mamaga kung pipilitin mo lang." sermon nito.

Hindi na lang ako kumibo.





Dinala ako ni Blake dun sa lawa kung saan napaliligiran ng malalaking willow trees. The lake was peaceful and calm. Reflecting on the sparkling water the illuminating glory of the moon up in the night sky.

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon