RR_Geysers Moment <3

70 2 2
                                    

Chapter XVI


(Sam POV)


Totoo ba talaga ito? Parang isa lang itong set sa mga isinasagawang teleserye sa telebisyon! Swear! Gandang-ganda much eh! Paradise in the making! Really! You should see it for yourself and be the judge!

"Oh...baka naman lumuwa na yang eyeballs mo! Kumurap-kurap ka naman paminsan-minsan!"

"Hmp..yaan mo na. kung lumuwa man saka-sakali, eh...di saluin mo. Para naman hindi na gumulong jan sa paanan mo."

"Ahahaha...walastik talaga! Bentang-benta din yang mga punch line mo, Siammy!" Wala...dinedma ko na lang yung huli nyang sinabi. Wengya naman ang isang ito! Quotang-quota na sa pagtawa sa akin, huh! Malapit na syang buminggo! 

"By the way, Siammy...this is the University's Orchidarium! Isa ito sa mga paborito kong tambayan way,way back in my college days. Hope you like it!"


Super ganda naman talaga ang lugar. Makikita mo ang iba't ibang klase ng aerial plants. Nariyan ang denrobium, dancing lady, waling-waling, vanda and etcetera...basta marami! Kung e-enumerate ko ang lahat baka kulangin ang isang buong libro. At saka ang kwentong ito ay hindi naman about sa iba't ibang uri ng aerial plants! Mabalik nga tayo sa topic. Nagliwaliw ng konti eh. Ang nakadagdag  pa sa magandang view ay iyong mga ugat ng mga orchids. Nagmistula kasi syang hanging curtains! Idagdag mo pa ang mga bulaklak nito as designs. At dahil gabi ngayon, mas lalong na-emphasize ang bawat sulok at anggulo because of these so-called light emitting diode luminaires. Sa pinakagitna ay may isang fountain. Totoong fountain na talaga ito, huh! Hindi na yung artificial explosion from a softdrinks bottle na ka-etchosan kanina! Basta the usual fountain.  Pero, infairness to them huh...under the sea lang naman ang theme ng naturang fountain na iyon. Ang disenyo lang, eh mga giant clams. As in para syang giant clams na bahagyang na-open tapos may pearl sa loob, then sa mismong pearl parang nalabas yung tubig. Parang ganun ang set-up! Ahh..basta..ang hirap e-explain! Bahala na kayong mag-imagine! Binalaan ko na kayo sa una pa lang na hindi talaga ako magaling mag-describe! Ohh..sya ako na talaga ang bopols sa paged-describe! Period!


"Like? Like lang? hindi ata akma ang salitang iyon, Dustin!"

"You mean---- ahhh...hindi mo nagustuhan ang lugar?"

"Ano ka ba Dustin! Hindi yan ang ibig kong sabihin...kasi naman" I drew a deep breath "I super, duper, ever love, love, love the place! Grabe! Para akong idinuduyan sa alapaap!"

"Mabuti naman kung ganun! Halika...let's stroll the place!" Nagulat na lang ako dahil bigla na lang hinawakan ni Dustin ang kamay ko. Ano to? HHWW? Di bale na nga lang! yaan ko na lang sya sa mga trip nya. Afterall, kinilig naman kahit papaano ang prinsesa nyo!


Nalibot naming ni Dustin ang buong Orchidarium hanggang sa marating namin ang pinakadulong bahagi nito. Nakatambad sa paningin ko ang mga nagtatayugang puno na napapaligiran at naiilawan ng sandamakmak na mga alitaptap. Wow...naman! Nature's work of art! All natural yan huh! Hindi artificial! Hindi ko akalain na ganito palang klaseng mga hang-out ang kinagigiliwan ng isang alagad ng agham. Sabagay, kung buong araw ka naming nakababad sa laboratory kaharap ang mga kagamitang pang-siyensya...syempre kakapagod din!

Maya-maya, kinapa ni Dustin ang bulsa ng kanyang pantalon saka may isang bagay na iniabot sa akin. "Here Siammy! Take this!" pagkatapos maibigay sa kin ni Dustin ay nagpatiuna na itong lumakad.

Tiningnan ko kung ano ang ibinigay nya! The eff? Isang pakete ng mentos mint candy. Aanhin ko naman 'to?


Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now