RR_Street Fights

90 3 0
                                    

Chapter III

(Blake POV)

.

.

.

"So, how's the investigation?" tanong ko kaagad sa taong kapapasok lamang sa aking opisina. He's the plainclothesman I hired to do a little spadework.

.

.

.

"Good news, Sir!.. NAhanap ko na ang lugar kung saan dating nanirahan 'yung babaeng pinapahanap nyo. MAsyadong mailap iyong matanda. Walang balak na isiwalat ang lahat nalalalaman nya nung nagsimula na akong magtanong kasabay nang pagpapakita ko sa kanya sa larawan nung babae. Biglang nagalit iyong matanda at dali-dali akong sinarhan ng pinto at pinaalis."

.

.

.

Napatango na lang ako kasabay nang pag-abot ko sa mga papeles na naglalaman ng mga impormasyon buhat sa isinagawa nitong imbestigasyon.

.

.

.

"MAraming salamat, Inspector!"

.

.

.

"Anytime, Sir!" anito, saka lumabas na nang opisina ko.

.

.

..

.

Kinabukasan, agad kong pinuntahan ang lugar na nakasaad sa address. Iyon ay base sa nakalap na impormasyon ng inupahan kong detective.

.

.

.

Masyadong matao ang lugar.

A typical squatters area.

Agad kong tinalunton ang makikitid na eskinita.

Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar kaya hanggang ngayon ay pa-ikot-ikot pa rin ako sa parehong eskinita.

.

.

.

Sa madaling salita ay...

.

.

.

NALILIGAW NA AKO!

Isang buntong-hininga ang kumawala at saka himutok.

.

.

.

"Pambihira namang buhay 'to!.. Ngayon ko ata kailangan nang tour guide!... "

.

.

.

BOOGGSSHH...

.

.

.

Isang lalaki ang bumulagta sa daan. Duguan ang ilong nito. Aakma pa itong tatayo ngunit sinegundahan pa ito ng isang suntok ng kung sino mang nilalang na nagpawala sa ulirat nito.

Pagkatapos ay kinapkapan iyong nakabulagtang lalaki nung nilalang na sumuntok dito.

At saka iniabot dun sa batang nagtitinda ng basahan ang ilang piraso ng beinte pesos.

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon