RR_Kwentong Barbero

68 4 1
                                    

Chapter XIII



(Sam POV)

Naglatag ako ng panibagong picnic mat dun malapit sa dalampasigan. Eh, gusto kong mahiga muna dun, tapos star gazing na rin. 

Maya-maya, naramdaman kong may tumabi ng higa sa'kin. Si Blake iyon. Tahimik lang na nahiga sa tabi ko at nakatutok ang paningin sa kalangitan.

Eto, star gazing lang kami. Walang sinuman ang nangahas na bumasag sa katahimikan. Ayoko din naman n ako ang mag-initiate ng conversation. Eh, sa wala din akong maisip na topic.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at tuluyang hilahin ng antok....






Naalimpungatan ako, umaga na pala. Papasikat na kasi ang araw. Ang ganda tingnan ng sunrise. Nag-re-reflect pa nga sa dagat ang sinag nito.


A one of a kind beauty.


May narinig akong umungol. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabungaran.Kinusot-kusot ko pa ang mga mata baka sakaling dinadaya lamang ako ng aking paningin. Ngunit hindi eh.

Nakaunan kasi ako sa dibdib ni Blake. Habang sya nama'y nakadantay ang kanyang kanang kamay sa beywang ko...


"Oh..hija, mabuti naman at gising ka na!. Gisingin mo na din ang nobyo mo at ng makapag-almusal na tayo." –matandang lalaki na nangingiti ng malapad at nakatingin sa amin ni Blake ng mataman.

Ang awkward huh?..tssss!Take note, Lolo Tanda, hindi ko sya nobyo!... gusto ko sanang sabihin pero naiba ang lumabas sa bibig ko.



"A-ah, sige po, gigisingin ko lang po si Blake! Susunod na po kami!" Napatungo nalang ang ulo pagkasabi ko nun, mabuti na lang at yayao na sya. 

"Kuh..bagay na bagay talaga kayong dalawa!" –hirit pa nung matanda saka umalis na.




Hayy.... Pa'nu ko ba gigisingin ang nilalang na ito?

"Blake...Blake, gising...gising na!" tinapik-tapik ko pa ang pisngi nya huh..bahagya lang itong umungol. tapos....




"Hmmmmmm...Sici,lumapit ka nga dito!" –si Blake nagsasalita habang nakapikit parin. Tapos parang may kinakapa. Atras lang ako ng atras, ngunit nahagip pa rin nito ang braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Sa gulat ko, nawalan ako ng balance at napasubsob sa katawan ni Blake..

Ugh...

Oh no! Sa lakas ba naman ng pagkakabagsak ko sa kanya, duda ako kung hindi ito magigising. Unti-unti kong iniangat ang aking ulo.

Presto!Nagising ko nga sya!Naku...lagot! Ang sagwa pa naman ng posiyon ko!



"Sam?" anya pa habang kinukusot ang mata. "Hindi ko alam na gustong-gusto mo palang mapasubsob sa katawan ko! **SMIRK** Sana sinabi mo agad, nang sa gayon ay hindi ka na mahirapang humanap ng tiyempo!" anito na kakagising pa lang tapos nakangiti nang nakakaloko.

Ragamuffin RoyaltyWhere stories live. Discover now