RR_Unwanted Revelations

48 4 1
                                    

Chapter XXX

(Sam POV)

And we're back in the real world---me, as the TKD instructor in Boss Pare Ko's company and Blake as the ever capricious executive of API.

Sabay pa nga kaming pumasok sa opisina. Naninibago pa rin ako sa kaalaman na ang isang simpleng empleyada ng kompanya---well, yun ang sa pagkakaalam nila, ay idini-date ang CEO ng naturang kompanya. Ang awkward sa pakiramdam. Alam ko namang naglipana na ang mga bubuyog ng tsismis at sigurado akong kinatay na nila ang buong pagkatao ko base pa lang sa mg amatutulis na tinging pinupukol nila. Ang saklap, tsong! 

Blake put an arm around my waist, interrupting me from my reverie.

"Sysi, are you okay?"

"O-oo naman! Ayos lang ako!"

"Sigurado ka? Pwede ka namang umabsent muna sa trabaho. You can stay at my unit." Worried look was visible on his face.

"Hindi! Okay lang talaga!" then I took his arm off my waist and headed straight to the gym.

And there I left him standing outside, completely bemused.

.

.

.

.

.

Katatapos pa lang ng session ko sa pagtuturo sa mga bata. Hapon na iyun at ako na lang ang mag-isa ang natira sa gym. Lagkit na lagkit ang pakiramdam ko dahil sa pawis. Akma na akong papasok sa locker room para makapaligo nang biglang may malakas na pwersang kumalabog sa pinto.

Ang there emerge Blake, wrapped in wrath and blazed in fury.

Nag-aapoy sag alit ang anyo niya. Nahintakutan ako sa nakikita. Ni minsan kasi hindi ko pa nasisilayan ang anyo nito pag nagagalit ng husto. Animo'y isa itong  tigre na handing-handa nang sagpangin ang sinumang makakasalubong nito.

Naiyakap ko ang sarili at unti-unting napaatras.

Kalkulado ang bawat hakbang at iisang direksyon lang ang tinatahak niya----ang direksyong kinatatayuan ko.

Bahagyang nag-panic ang sistema ko. Nasuplong na ako ng pader. Wala na akong maatrasan. Sa madaling salita, na-corner na ako!

Oh, good heavens! Ano ba ang nangyayari?

Napalunok ako sa realisasyong naggugumiit sa diwa ko.

Hindi kaya. . . hindi kaya. . . nalaman na niya ang sikretong matagal ko nang tinatago?

Ugh! Oh. . . hindi. . .

Ayokong sa ganito na lang lahat matatapos! Kailangan maipaliwanag ko sa kanya ang panig ko.

Akma na sana akong magpapaliwanag kay Blake but I was caught offguard by his sudden onslaught. He pinned me harshly on the cold wall with my both hands above my head, his body pressing hard. . . totally restraining me.

I couldn't budge from his firm grip. His blazing eyes met mine.

"How long?" he murmured through gritted teeth.

Holy mackerel! So. . . tama nga ang suspetsa ko. Alam na niya ang totoo kong pagkatao.

I tried to open my mouth only to close it again. Words fail me.

"How long do you intend to keep your real identity from me. . . CROWN PRINCESS?" His tone is castigating with bold emphasis on the last two words.

I swallow an imaginary lump. Surely, his anger reached the boiling point and anytime will explode. I shudder at the thought.

Ragamuffin RoyaltyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon