Chapter 3 FINALE

560 15 2
                                    

Chapter 3 FINALE

            UMIINOM siya ng kape ng lumabas ng kuwarto si Gino. Sa bahay na nila natulog ang lalaki kagabi.Nakatulong ang presensya nito para kumalma siya konti. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin siya sa nangyari kahapon. Ang gulo ng utak niya dahil sa mga katanungang hindi niya alam kung saan makukuha ang mga kasagutan. Pero ngayong umaga ay napag-desisyunan na niya ang kanyang gagawin.

“Good Morning” bati ni Gino sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi.

“Good Morning din.” May katamlayan niyang sagot dito.

Tiningnan lang siya nito bago lumapit sa stove para magtimpla ng kape. Makaraan ng ilang minuto ay bumalik na si Gino sa mesa dala ang isang tasa ng kape. Inabot nito ang bigay niyang pandesal na may palaman na star margarine. Paborito kasi ito ng lalaki.

“Kumusta ang tulog mo?” tanong ni Gino sa kaniya.

“Inaantok pa rin ako.” Reklamo niya. Halos buong gabi kasi silang nagpakasaya kagabi sa bisig ng isa’t-isa. Kaya lampas alas tres na ng madaling araw sila nakatulog pareho. Mabuti nalang at wala siyang pasok ngayong araw dahil binawalan na siyang mag overtime ng boss niya.

“Uuwi ako ng bahay para kumuha ng mga damit. Sasamahan kita dito buong linggo para hindi ka na mag-iisa dito.” Wika nito.

“Paano na ang mga kasama mo sa bahay? Baka hindi ka payagan.”

“I’m old enough to decide for myself. Kaya walang problema kung mawawala ako ng isang linggo o buwan o kahit taon pa.” Kindindatan pa siya nito.

“Paano na ang trabaho mo?”

“Magkikita nalang kami ni tito sa labas ng office mo, dahil ihahatid kita araw-araw. Susunduin pa rin kita sa hapon para sabay tayong umuwi.”

“Nag text nga pala ang isa kong kapatid kanina at nagtanong kung makakakuha ba ako ng LOA sa trabaho. Gusto nilang nandoon ako sa araw ng libing ng lola ko.”

“Walang problema sa akin yan. Hindi naman magagalit si tito kung mawawala ako ng ilang araw. Hindi naman ako kawalan sa pamamasada niya.”

Medyo nag-aalangan siyang sabihin ang pinag-iisipan niya kanina. Mahirap para sa kaniyang sabihin ang naging desisyon niya dahil mahal na mahal niya si Gino. Nasanay na siyang lagi itong kasama.

“O ba’t nakatulala ka na riyan?” hindi niya napansin na nakatutok nalang pala siya sa mukha ni Gino.

“Napagisip-isip kong huwag ka na lang sumama sa akin sa probinsya.” Wika niya dito.

“Bakit naman?” naka kunot-noong tanong nito.

“Basta.” Naiirita niyang sagot.

“Ikinahihiya mo ba ako sa pamilya mo doon?” tanong ni Gino.

“Hindi sa ganon. Kailangan ko lang ng space.”

Humigop si Gino ng kape bago umayos ng upo at pinakatitigan siya. “Nakikipaghiwalay ka ba sa akin?” kunot noong tanong nito sa kaniya.

Napakagat labi siya.

“May nagawa ba akong mali o ikinagalit mo?”

Nagsimulang na siya umiyak sa harapan ni Gino. Lumapit sa kaniya ang lalaki at lumuhod sa harap niya.

“Sabihin mo sa akin kung anong problema mo. Huwag mong sarilihin ang lahat.” Pinahid nito ang kaniyang mga luha.

“Mahal kita, Gino. Kaya lang natatakot ako sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Alam ng puso ko na wala kang kasalanan, pero bakit hindi ko pa rin mapigilan ang magduda sa pagkatao mo?”

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon