Chapter 1.2

964 13 0
                                    

“Paula!” tawag sa akin ng boss ko. 

“Ano po yun sir?” takang tanong niya dito. Medyo kinabahan siya, parang may nagawa siyang ‘di nito nagustuhan.

 “Kasali ka sa mago-overtime mamaya.” Yun lang at umalis din ito kaagad. Napasalampak siya ng upo sa kaniyang upuan. Ito ang pinaka-ayaw niya, ang mapasali sa pago-overtime. Mahirap kasi humanap ng masasakyan sa kanila tuwing gabi. Minsan lang din may tricycle sa kanto kung saan sila nakatira, kaya hindi siya nag boluntaryo tuwing magtatanong ang boss nila kung sino ang gustong mag-overtime. 

Kinuha niya ang kaniyang cellphone para magpaalam sa nanay niya na matatagalan siyang umuwi mamaya. Pinagpatuloy na niya ang kaniyang trabaho. Kahit anong bilis ang gawin niya ay hindi pa rin matapos-tapos ang sangkatutak na resibo na kailangan niyang i-audit. Simula nung maka graduate siya sa kolehiyo ay dito na siya nagtatrabaho. Ang kapitbahay nila na dating manager ng kumpanya ang nagpapasok sa kaniya apat na taon na ang nakaraan. Nagretiro na ito dahil kinuha ng anak na nasa Japan. 

Nang sumapit ang tanghalian ay lumabas na sila ng mga kasamahan niya para kumain sa tapat na karenderya. Katabi niya si Mona sa paglalakad ng maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya. Bigla siyang napalingon sa kaliwa at kanan. Hinahanap niya ang mga matang nakatutok sa kaniya. Kumot ang kaniyang noo ng wala naman siyang makita. Pinagpatuloy niya ang pakikipag chikahan sa mga kasamahan. 

“Paula, libre ka ba sa sabado? May bagong pelikula sina Kim at Gerald baka gusto mong manood?” yaya sa kaniya ni Danilo ang masugid niyang manliligaw. Napuno ng tuksuhan ang mesa nila. Pati si Mona ay nakisali na rin. 

“Kayo ha mga inggitero kayong lahat. Basta libre call ako dyan.” Pinagbigyan nalan niya ang lalaki tutal matagal na itong nanunuyo sa kaniya hanggang sa nakilala niya si Frederick. 

“Yes!” sigaw ni Danilo. 

“Ang swerte mo naman Dan hindi kana ignored.” Tukso ni Manuel. 

Tumawa lang si Danilo. Kinindatan pa siya nito ng magtama ang kanilang tingin. Nginitian lang niya ang lalaki. Sa katunayan wala siyang naramdamang kilig dito. Kaya siguro lagi itong nababasted sa kaniya. May itsura rin naman ito, hindi nga lang matatawag na sobrang guwapo na kagaya ni Luis Manzano. Pagkalabas nila ng tindahan ay tumawid uli’t sila pabalik sa gusaling pinapasukan ng maramdaman na naman niya na may nakatingin sa kaniya. 

Dumaan ang isang pamilyar na jeep sa tapat nila at nakita niya ang kundoktor kaninang umaga. Sumaludo ito sa kaniya habang nakakapit ito sa labas ng sasakyan. 

“Hoy sino yun ha?” usisa ni Mona. 

“Siya yung sinasabi ko sa ‘yong guwapong kundoktor kanina.” Sagot niya dito. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa papalayong lalaki. 

Nahiwagaan talaga siya sa karisma nito na parang magnet na humuhigop sa kaniyang atensyon. Gayunpaman sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nakaramdam siya ng kilig dito.

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon