Chapter 1.1

1.2K 11 3
                                    

Ang Konduktor

Beeeepppp!!! Busina sa akin ng isang sasakyan papuntang Quiapo.

“Miss,  may isa pa pa-quaipo.” Tawag sa akin ng isang konduktor.

Lumingo ako, tanda ng aking pag-ayaw. Hindi rin nagtagal at umalis na rin ang sasakyan.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang umpukan ng mga tao na naghihintay rin ng masasakyan.

Maya-maya ay nakita ko ang jeep na nais kong sakyan. Iilang pasahero din ang pumasok sa loob ng jeep. Nakipagsiksikan ako para makakuha pa ako ng mauupuan. Nung isang araw kasi ay wala akong ibang mapagpilian kundi ang maupo sa kandungan ng isang mamang pasahero. Male-late na kasi ako sa trabaho kaya wala na akong panahon na pumili pa ng masasakyan.

Nginitian ko ang katabi kong matandang babae tanda ng aking paggalang sa kaniya. Binalik din niya ang ngiting binigay ko. Sumigaw na ang konduktor ng jeep kung may hahabol pang pasahero. Nang wala ng pumasok ay nagsimula ng umusad ang sasakyan. Napansin kong batam-bata pa ang konduktor ng sasakyan. Sa tantiya ko ay ka-edad ko lang ito o kaya’y matanda lang ng konti sa akin. Parang hindi halatang isa lang itong konduktor dahil sa itsura ng lalaki. Naka jersey shorts ito ng itim na silk at puting sando. Mapuputi ang ngipin nito na parang alagang dentista. Ang balat din nito ay napaka kinis at napakaputi na parang kutis pang mayaman. Hindi ko napigilan ang kaniyang sariling lihim na titigan ang lalaki.

“Miss bayad mo?” tanong sa akin ng lalaki na nagpabalik sa akin sa realidad.

Kumuha na ako ng pera sa bag ko at inabot ko sa lalaki. Naramdaman kong uminit bigla ang mukha ko dahil sa hiya.

Ibinalik ko na ang aking tingin sa labas ng bintana baka ako ay lumampas sa pupuntahan ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na rin ang gusali kung saan ako pumapasok bilang isang secretary.

“Manong diyan lang po sa tabi.” Sigaw ko sa mamang driver.

Inalalayan pa ako ng kundoktor sa aking pagbaba. Ayaw ko namang masabihan na suplada kaya tinanggap ko ang kaniyang kamay.

“Salamat.”

“Mag-iingat ka miss.” Sabi niya sa akin sabay kindat. Lihim akong napangiti sa ginawa niya.

Sumigaw na siya para ipaalam sa driver na maayos na akong nakababa.

Lumingon pa ako sa papaalis na jeep at nakita kong nakatingin din siya sa akin.

“Hoy Paula tumingin ka naman sa dinadaanan mo.” Sigaw ng papalapit kong kasamahan na si Mona.

“Ang guwapo ng kundoktor ng nasakyan kong jeep.” Kinikilig na pagbabalita ko dito.

“Hay naku kinilig na naman ang lola. Mabuti iyan at ng hindi ka mabakante sa Valentines Day.” Tudyo sa kaniya ni Mona.

 Kaka-break lang kasi nila ng ex niyang si Frederick dahil nahuli niya itong may kasamang ibang babae. Iniyakan niya ito ng dalawang linggo. Halos isang buwan din kasi silang naging mag-on kaya sobra siyang nasaktan.

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon