Chapter 2.2

629 10 4
                                    

C 2.2

Magkasama sila ni Gino sa bahay ng isang kaibigan nito ng gabing iyon. Ito kasi ang tumatao sa bahay dahil nagbabakasyon ang may-ari nito. Naalala niyang ikuwento kay Gino ang nangyari kanina sa Mall.

“Medyo matagal na kaming hindi nagkaka-usap at nagkikita ni Melanie, kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay niya.” Inakbayan siya nito. “Huwag mong sabihin na nagseselos ka, hon?”

“Hindi naman sa ganon. Nahihiwagaan lang talaga ako sa kinikilos niya kanina. Matatakutin ba talaga iyang si Melanie,hon?” tumingin siya dito. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha.

“Sa pagka-alala ko hindi naman. Takot iyon sa dilim, pero hindi sa tao.” Napatawa siya sa huling sinabi nito.

Tumahimik na lang siya sa tabi nito. Pumulupot ang isa pa nitong braso sa kaniyang bewang. Kahit na may kahabaan ang sofa na inuupuan nila ay para silang linta sa pagkakadikit.

“Hon, baka pupuwede na…..” sabi ni Gino. Ang mainit nitong hininga ay naghatid ng bolta-boltahing kuryente sa buo niyang katawan.

Walang siyang naisatinig dahil natabunan na iyon ng kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Sa unang paglapat pa lang ng kanilang labi ay parang may apoy na biglang sumabog at tinutupok ang buong katawan nila. Ang simpleng halikan ay humatong sa isang mainit na gabi. Buong magdamag nilang pinagsaluhan ang tamis at init ng pagniniig. Lumalalim ang gabi na puro ungol lang ang maririnig sa kanilang silid.

              NAALIMPUNGATAN si Gino ng may narinig siyang boses ng babae na umiiyak. Kinapa niya ang katabi ngunit bakante na ito. Inilibot niya ang kaniyang paningin para tingnan kung naroon pa rin ba ang mga gamit ni Paula. Napahinga siya ng maluwag ng makita niya ang shoulder bag nito sa ibabaw ng coffee table. Studio type lang ang apartment ng kaniyang kaibigan kaya makikita niya kaagad ang hinahanap. Napakunot ang kaniyang noo ng bumaba ng kama at kumatok ng pintuan ng banyo. Hindi nia alintana ang kaniyang hubad na katawan.

Hindi sumagot si Paula sa kabilang panig kaya nangahas na siyang buksan ang pinto. Nakita niya itong nakatapis ng tuwalya at basa pa ang buhok na naka-upo sa ibabaw ng kubeta na may cover. Sumisinghot-singhot ito habang umiiyak. Umupo siya sa harap nito. Hinawakan niya ang mukha nito at sinipit ang hibla ng buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha. Pinadaosdos niya pababa sa leeg nito ang kaniyang kamay. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa leeg nito at pangahas na inamoy. Nanggigigil siya bigla ng maalala niya kung gaano siya pinainit nito kagabi.

Patuloy pa rin sa paghikbi ang babae sa kaniyang harap. Pinulupot niya ang mga binto nito sa kaniyang bewang bago niya inalis ang tuwalya nito na nakabalot pa rin sa hubad nitong katawan. Nung una ay pinigilan ni Paula ang kaniyang kamay ngunit malakas niya itong tinabig at ipinagpatuloy ang ginagawa. Lumantad sa kaniyang ang makinis nitong mukha at ang malulusog nitong dibdib. Hinaplos niya ang buo nitong katawan, pababa, pataas at pumipisil-pisil.

“H-huwag….” Tutol ni Paula.

Hindi siya nakinig at ipinagpatuloy lang ang kaniyang ginagawa rito. Maya-maya ay tumayo siya habang nakapulupot pa rin ang mga binti nito sa kaniyang bewang. Pinaandar niya ang shower at pumasok sa loob ng maligam-gam na tubig.

Napasigaw si Paula ng mangahas siyang pumasok sa kaibuturan nito. Naramdaman niya ang mga kuko nito sa kaniyang likod, pero hindi niya iniinda ang sakit na nararamdaman.

          KANINA pa siya nanggagalaiti sa kaniyang nasaksihan. Si Gino at ang nobya nitong si Paula ay gumagawa ng milgaro. Ito ang pinakaayaw niya, ang kunin sa kaniya ang lalaking pinakamamahal. Kaya siya gumagawa ng paraan para mawala ang mga babae ng lalaki sa buhay nito dahil gusto niyang sa kaniya lang si Gino. Walang makaka-agaw kay Gino sa kaniya dahil ipinanganak itong para lang sa kaniya. Lahat ng mga nobya ng lalaki ay nailayo niya dito ng walang kaproble-problema. Ang tanging buhay lang ay si Melanie dahil ito lang ang hindi lumalaban sa nais niya. Ang iba ay pinapatay niya dahil baka magsalita pa ang mga ito.

Bigla siyang nagkubli sa isang sulok sa labas ng apartment ng kaibigan ni Gino ng bumukas ang pinto at masayang lumabas ang dalawa. Galit na galit niyang nilisan ang lugar dahil baka hindi niya mapigil ang kaniyang sarili at suguran ang hayop na Paula na yan.

            INALALAYAN siya ni Gino na pumasok sa taxi. Uuwi na sana siya mag-isa ng mag insist itong ihahatid na raw siya para maka-usap nito ang kaniyang mga magulang. Nagtataka na marahil ang mga ito at hindi siya nagpaalam na hindi makaka-uwi kagabi. Nakangiting lumingon siya dito. Simula ng maulit ang nangyari sa kanila kanina sa shower ay ipinangako ni Gino na pananagutan siya nito. Nag-alala kasi siyang baka ma buntis siya ng wala sa oras. Naging extra sweet at malambing na rin ang lalaki sa kaniya simula kanina. Humingi na rin ito ng patawad dahil sa hindi nito pag-iingat kanina.

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon