Chapter 2.1

645 10 0
                                    

C 2.1

             Kasama ni Gino nag-agahan ang Tito at Tita niya ng dumulog ang pinsan niyang si Ashley ng umagang iyon. Mas bata ito ng tatlong taon kesa sa kaniya. Kahit noon pa ay hindi na talaga sila close dalawa. Minsan lang din niya ito nakikita sa umaga dahil mahilig ito sa nigt life kaya tanghali na ito kung magising.

“Handa ka na ba Gino? Tanong ng Tito niya.

“Opo.” Nagpunas muna siya ng bibig bago tumayo. Mamamasada na naman silang dalawa.

“Kuya Gino” tawag sa kaniya ni Ashley.

Lumingon siya at ngumiti dito. “May kailangan ka ba, Ash?”

“Oo Kuya, magpapasundo sana ako sa ‘yo mamayang gabi pagkatapos ninyong mamasada ni tatay. Kung ok lang po sa inyo.”

Napa-isip muna siya kase susunduin niya si paula mamayang gabi. “May susunduin pa kase ako mamayang gabi eh baka matagalan akong sunduin ka.”

“Ayos lang po yon Kuya. Maghihintay lang po ako sa labas ng campus namin.”

“Nilalagnat ka ba Ashley?’ gulat na tanong ng tita niya sa anak nito.

“Wala po akong lagnat inay. Bakit ‘nyo po naitanong?”

“Dapat pa bang itanong iyan eh lagi ka nalang nasa barkada mo gabi-gabi. Eh hindi na nga namin alam ng tatay mo kung pasado ka pa ba sa eskuwelahan sa pinaggagawa mo.”

“Ikaw naman inay. Oo naman po, nag-aaral din naman po ako.”

“Gino bilisan mo at tanghali na!” sigaw ng tito niya.

“Ah sige po tita aalis na po ako. Susunduin nalang kita sa labas ng gate ng school mo Ash.” Paalam niya sa mga ito.

              Nagyaya si Mona na mananghalian raw sila sa pinakamalapit na Mall dahil may bibilhin raw ito sa Watsons. Tumitingin-tingin na rin siya sa loob ng tindahan ng makita niya si Melanie nay may kausap na sales lady. Naka blazer at miniskirt ang babae na iba sa stilo ng mga sales lady. Kaya tantiya niya ay may magandang posisyon ang babae sa Watsons. Matapos nitong maka-usap ang kaharap ay agad niyang tinawag ang pangalan nito. Nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha ng dalaga.

“Melanie? Naalala mo pa rin ba ako? Ako si Paula girlfriend ni Gino.”

“Ah-eh oo naman naalala pa irn kita.”

“Kumusta ka na? Dito ka pala nagtatrabaho?” tanong niya dito.

“O-oo” medyo nauutal na sagot nito. Nahiwagaan talaga siya sa babae dahil hindi naman ito ganito makipag-usap kanina sa tauhan nito.

“Ahm Paula. May itatanong lang sana ako kung okay lang sa iyo.” Medyo nahihiya pa itong magtanong sa kaniya.

“Kinakabahan naman ako sa itatanong mo. Ano iyon?”

“Ilang buwan na ba kayong magnobyo ni Gino?”

Napatawa siya bigla. “Yan lang? Wala pa kaming isang buwan. Parang love at first sight yun nangyari sa amin ni Gino.”

Hindi nito inintindi ang huli niyang pinagsasabi. Hinawakan ni Melanie ang kaniyng braso. “Paula, mag-iingat ka.” Seryosong sabi nito.

Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya.

“Sorry” wika ni Melanie sabay bitiw sa kamay nito.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong.

Napalingo-lingo ang babae “Huwag mo nalang intindihin ang pinagsasabi ko.” Nagmamadali ng umalis ang babae.

“Teka!” sinundan niya ito hanggang sa loob ng isang kwartong may ‘Employees Only’ na nakalagay. May nakita siyang ilang pintuan sa loob. Hindi na niya nakita kung saang pintuan pumasok ang babae kaya tumalikod na siya para lumabas ng magulat siya.

“Ay ma’am sorry po hindi ko po alam na may tao po pala dito.” Hinging paumanhin ng isang sales lady. “Ma’am bawal rin po kayo dito.”

“Oo palabas na ako.” Nagmamadali na siyang lumabas ng magulat na naman siya.

“Hoy Paula saan ka ba galing? Kanina pa ako hanap ng hanap sa ‘yo” tanong sa kaniya ni Mona.

“’dyan lang sa tabi. Kausap ko yung ex ni Gino.”

“Hay kwentuhan mo naman ako.” Na excite na tuloy si Mona. Kaya habang daan ay kinuwento niya dito ang lahat-lahat.

“Baka naninira lang yang Melanie na yan. Huwag mo na lang pansinin. Basta ang alam mo maligaya ka kay Gino.”

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon