Chapter 1.4

715 11 0
                                    

C1.4

            Ang ganda ng araw niya ngayong umaga. Simula ng makilala niya si Gino ay parang naging masaya ulit siya gaya nung mga panahong sila pa ni Frederick. Kahit na wala pang dalawang linggo na nagkakilala silang dalawa, ay sinagot na niya ang lalaki. Wala na siyang paki-alam sa sasabihin ng ibang tao. Ang mahalaga para sa kaniya ay masaya uli’t siyang may nagmamahal sa kaniya. Hatid sundo siya ni Gino araw-araw. At sa day off naman niya ay namamasyal sila sa Luneta o kaya ay sa Mall. Minsan naman ay nasa bahay lang nila ang lalaki at tumutulong sa gawaing bahay niya. Magiliw sa matatanda si Gino kaya botong-boto ang mga magulang niya sa lalake.

      Isang araw, habang naglalakad sila papunta sa opisina niya ay may bumangga sa kaniyang isang babaeng nagmamadaling naglalakad. Tumilapon ang lahat ng gamit nito sa lupa kaya dali-dali nilang tinulungan ni Gino ang babae.

“Miss ‘eto pa oh.” Wika niya sabay abot ng isang plastic folder.

“Salamat.” Mahinhing sabi nito.

“Melanie?” gulat na tanong ni Gino.

“Gino?”

“Kumusta ka na? Long time no see ah.”

Nahalata ni Paula na medyo hindi na naging kampante ang babae at parang balisa ito. Napansin rin niya ang panginginig ng mga kamay nito.

“Ah—oo nga ano. Kumusta ka na?” alam niyang pinipilit maging sibilisado ng babae sa harap nila.

“Ok lang ako. Oh by the way si Paula nga pala, girlfriend ko.”

Nakipagkamay siya kay Melanie. Tinanggap naman ng babae ang pakikipagkamay niya pero mabilisan lang. Agad namang nagpaalam ang babae na parang may humahabol dito.

Nagkatinginan sila pareho ni Gino. Pinagtakhan nila ang kinikilos ng babae.

“Anong nangari dun?” tanong niya kay Gino.

“Ewan ko.” Kibit balikat nito.

       Lumipas ang buong araw ay panay ang text sa kaniya ni Gino ng mga sweet nothings. Palagi naman siyang nahuhuli ni Mona na napapangiti matapos sinisilip ang cellphone niya.

“Blooming mo ‘ata ngayon ah. Kumusta ang love life?” usisa ng kaibigan ng hindi na ito makatiis.

“Grabe Mona ang sweet sweet ni Gino. Hindi ko akalain na may mga lalaking ganyan pa rin pala.” Sabi niya dito.

“Mabuti naman at may nagpapasaya na sa iyo. Pero kilalanin mo munang abuti itong Gino na ito ha at baka ex con yan.”

“Ay ano ba… ikaw talaga Mona kung ano-ano na yang iniisip mo.” Suway niya dito.

“Protective ang lola… naku!!! Remember, love is blind. Ipakilala mo sa akin iyan at ng magisa ko naman. Mabuti na iyang ma screening ng ibang tao.” Hagikhik ni Mona “…. At ng makahawak naman ako ng ibang abs.”

“Loka-loka ka talaga Mona. Umalis ka na nga sa cubicle ko at baka masermon pa tayo ni Sir mamaya nyan sige ka.” 

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon