Chapter 1.3

811 14 2
                                    

             Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang shoulder bag habang naglalakad palabas ng kanilang gusali. Kumaway si Mona na nasa kabilang banda ng kalsada kaya kinawayan din niya ito. Nakita niyang naka-para agad ito ng jeep pa-uwi. Hindi siya mapakali dahil marami na siyang naririnig na balita tungkol sa mga psycho killer’s. May sakit pa naman ang tatay niya kaya walang susundo sa kaniya sa kanto kung saan siya nakatira. Habang nag-aabang siya ng masasakyan ay may isang jeep na huminto sa tapat niya. Umimbis doon ang lalaking kanina lang niya nakilala.

“Magandang gabi magandang binibini.” Sabi nito sabay kindat.

Bigla tuloy siyang nag blush sa sinabi nito.

“Alam kong kanina lang tayo nagkita, ako nga pala si Gino.” Pakilala ng lalaki sabay lahat ng kamay. Agad naman niya itong tinanggap. Naramdaman niya ang init ng palad nito na walang kahit na anong kalyo.

“Paula. Paula nalang ang itawag mo sa akin.”

“Pauwi ka na ba? Tamang-tama igagrahe ko na rin itong sasakyan. Saan ba ang uwi mo?”

Sinabi niya dito ang address nila. Tinulungan pa siya ng lalaki sa pagsakay sa passenger’s seat. Ahimik lang siyang nakiramdam habang binuhay nito ang makina ng sasakyan.

“Pwede ka bang maimbitahang kumain? Gutom na kasi ako eh hindi pa ako nakakain ng hapunan. Ok lang kung busog ka pa, sa bahay nalang siguro ako kakain.”

“Hindi rin ako masyadong nakakain kanina sa opisina. Sandwhich lang kasi yung inorasyon ng boss namin kaya d nabusog mga bulate ko sa tiyan.”

Lumingon si Gino sa kaniya at nginitian siya. Dinala siya nito sa isang sikat na barbecue restaurant. Sa labas sila umupo dalawa dahil maaliwalas naman ang panahon ng gabing yun. Nahalata niyang napaka maginoo ni Gino. Pinaghila pa sito ng bangko at tinulungang ma-upo. Nakapagpalit na pala ito ng damit dahil isang kupasing maong at puting t-shirt na ang suot nito.

“Ikaw ba ang may-ari ng jeep na yan?” tanong niya sa lalaki.

“Hindi. Sa tito ko yan.”

“Ah—“

“Mukhang may itatanong ka pa. Ano yun?” tanong ni Gino sa kaniya.

“Hmm huwag kang magagalit ha. Ito lang ba ang alam mong trabaho?” medyo nahiya naman siya sa tanong niya. Pero talagang na curious lang siya dahil wala sa itsura ni Gino ang maging kundoktor.

Ngumiti muna ang lalaki bago ito sumagot.

“Graduate ako ng criminology pero hindi ko muna tinuloy ang pag-apply ng trabaho. Saka na siguro kapag naayos ko ang problema ng pamilya ko.”

“Ah ok. Hindi na kita tatanungin kung ano yun dahil mukhang personal na issue na yan.” Ngumiti siya dito.

                  Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na siya ni Gino sa labas ng kanilang bahay. Masyado ng malalim ang gabi dahil wala ng tao sa labas. Tinulungan na naman siya ni Gino na makababa ng jeep. Naramdaman niya ang init ng kamay nito na parang may binubuhay sa kalooban niya. Sinipit niya ang hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tenga.

“Ahm good night?” panimula niya.

Mukhang naramdaman din ni Gino ang naramdaman niya. Nagkahiyaan na silang dalawa. Pero parang bulkan na pumutok bigla ang kanilang nararamdaman sa isa’t-isa. Bigla nalang siyang sinunggaban ng halik ng lalaki. Mapusok nung una na sa tantiya niya ay nagtagal ng ilang minuto. Siya na ang kusang pumutol sa halikan nila.

“Ahm nakakahiya… kakilala lang natin.”

Hinapit ng lalaki ang kaniyang bewang palapit sa mainit nitong katawan. “Hindi ako naniniwala sa long term relationship.” Wika nito sabay kindat sa kaniya.

Na tameme siya bigla sa sinabi nito.

Mahinang tinapik ni Gino ang kaniyang pisngi. “Pumasok ka na sa loob.”

Hinintay muna siya ni Gino na makapasok sa loob ng bahay nila bago ito umalis.

                 Kanina pa siya nakamatyag sa dalawang nilalang na parang may matamis na pagtitinginan. Medyo matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ang pagsunod sa lalaking bumihag sa kaniyang puso. Umalis na siya sa kaniyang pinagkublian. May panibagong misyon na naman siyang pagkaka-abalahan.

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon