Chapter 2.3

569 9 3
                                    

C 2.3

                 Sinadya niya si Melani sa pinapasukan nitong trabaho ng hapong iyon. Nagpumilit na sumama si Mona sa kaniya dahil daw baka saktan siya ni Melanie. Wala na siyang nagawa kungdi ang pumayag sa kagustuhan ng kabigan. May kaliitan si Mona sa taas nitong 4’9 ngunit mas palaban pa ito kesa sa kaniya na 5’4 ang taas. Totoo nga siguro ang sinasabi nilang ‘small but terrible’.

Papalapit na sila sa Watsons ng makita niya ang pamilyar na bulto na papasalubong sa kanila. Si Gino. Nagulat talaga siyang makita ito sa loob ng mall. Akala kasi niya ay nasa pasada pa rin ito kasama ang tito nito.

“A-anong ginagawa mo dito?” nauutal na tanong niya sa lalaki. Mukhang hindi ito nagtrabaho ngayong araw dahil nakasuot ito ng maong jeans at branded shirt.

Nakangiting binati nito ang katabi niyang si Mona. “May binista lang na kaibigan. Kayo? ‘san naman ang punta ‘nyo?” tanong ng lalaki.

Nilingon siya ni Mona tanda ng paghingi nito ng saklolo sa kaniya. “Ahhh mag--- magshoshopping sana. Si Mona kasi naghahanap ng maisusuot para sa fafa niya. ‘lam mo na…” nginitian niya ang nobyo para pagtakpan ang kaniyang nerbyos.

“Ah ganon ba? Gusto mo samahan ko na kayo?” tanong ni Gino.

Biglang tumunog ang cell phone ni Mona at binasa nito ang text. “Ay aalis na ako at hinihintay na ako ng fafalets ko. Sige sa susunod na lang ha Paula.”

‘Whew save by the bell’ wika ng kaniyang isipan

Hindi na niya naituloy ang kaniyang binabalak dahil buong gabi silang magkasama ni Gino sa loob ng Mall. Pumunta sila ng arcade at naglaro doon bago kumain sa food court. Ang galing pala nitong maglaro ng arcades kaya madami silang panalong tickets na ipinampalit ni Gino ng isang malaking teddy bear na kulay puti.

“Thanks hon.” Sabi niya dito sabay halik sa pisngi nito.

“Ihahatid na kita sa inyo. Nangako pa naman ako sa tatay mong aalagaan kita.” Napangiti siya sa sinabi nito. Umakbay kaagad ang isang braso nito sa kaniya.

               NAGKUKUMPUNI ng sirang jeep si Gino ng araw na iyon. Hindi na muna siya pinasama ng kaniyang Tito sa pamamasada dahil kailangang matapos niyang ayusin ang isa pa nilang sasakyan at ng maipamasada na ng isa pa nilang driver. Sa tantiya niya ay aabutin siya ng buong araw sa pag-aayos ng jeep dahil mukhang may bibilhin pa siyang washer na kinalawang na. Tinawagan niya kaninang umaga ang nobyang si Paula na hindi muna niya ito masusundo mamayang hapon sa trabaho. Masaya siya kapag magkasama sila. At nararamdaman niya dito na mahal din siya nito. Maganda si Paula. Sa loob at labas ng pagkatao nito.

Inabot niya ang isang basahan sa ibabaw ng mesa ng makita niya si Abigail na nakatayo sa harap nito.

“O ‘andyan ka pala. May kailangan ka?” tanong niya dito.

“Ah eh wala naman.” Umupo ito sa ibabaw ng isang mini van nila.

“Wala kang pasok ngayon?” tanong niya kahit na hindi tumingin dito.

“Wala.”

Narinig niya lumundag ito sa pagkaka-upo sa ibabaw ng sasakyan lumapit sa kaniyang tabi.

“May sasabhin ka ba?” nakakunot noong tanong niya dito ng hindi pa rin tumitingin sa mukha nito.

“Meron sana, pero saka ko na siguro sasabihin kapag hindi ka na busy.” Tumalikod agad ito at pumasok sa loob ng bahay.

            NAGPAALAM siya kay Mona na may lalakarin siya matapos ang shift nilang dalawa. Nagpapasalamat siya at hindi siya susunduin ni Gino ngayong araw. May pagkakataon siya dalawin si Melanie sa pinagtatrabahuan ng dalaga. Gusto niyang malinawan sa relasyon nito at ni Gino. Simula ng makilala niya ang babae ay may mga katanungan bumabagabag sa kaniyang isipan.

May pagmamadali siyang bumaba ng jeep at pumasok sa loob ng Mall. Hindi niya namalayan ang isang pares ng mata na sinusundan siya ng tingin. Agad itong kinuha ang cellphone at nag text.

            “Excuse me Miss.” Tawag niya sa isang saleslady sa Watsons. “Pumasok ba si Melanie ngayon?”

“Opo Ma’am.”

“Puwede paki sabi na gusto ko siyang maka-usap?”

Hindi din nagtagal at kaharap na niya ang babaeng pakay. Mas lalong pumayat ang itsura ng babae at halatang parang wala masyadong tulog. Nagulat man, ay halatang pinipilit nitong pakiharapan siya.

“Tamang-tama pauwi na rin ako. Kukunin ko muna ang bag ko.”

Pagkabalik ng babae ay pumunta sila sa loob ng Chowking para mag-usap ng sarilinan. Isang upuan malapit sa bintana ang kinuha nila dahil halos puno na ang buong restaurant.

“Alam kong dadating at dadating din ang araw na ito. Kahit anong iwas ko na magkausap tayo, ay naramdaman kong hindi ka titigil hangga’t hindi ka nalilinawan sa nararamdaman mo.” Huminto muna ito sa pagsasalita. Ipinatong nito ang dalawang kamay at ipinagdaop.

“Ang masasabi ko lang ay mag-iingat ka. Lahat ng naging nobya ni Gino ay nawawala lang bigla.” Nanginig bigla ang boses nito.

“Sa anong paraan?”

“Hindi ko alam. Ang babaeng ipinalit niya bago ako na nagngangalang Demi, ay nawala nalang bigla. Nagkakilala pa kami noon dahil kaibigan namin pareho ang naging kasamahan ko sa trabaho dati. Hindi ko na matandaan kung bakit sila naghiwalay ni Gino. Basta ang naalala ko lang ay parang balewala lang sa kaniya na naghiwalay sila. Parang sanay na siyang iniiwan.” Mahabang pahayg nito.

“Tinanong mo ba siya?” mas lumakas ang kuryusidad niya sa naririnig.

“Oo, pero sabi niya, siya raw ang iniiwan ng mga naging nobya niya kaya hinahayaan nalang niya.” tumulo na ang luha nito. “Pilit kong maniwala nung una. Masarap magmahal si Gino. Kaya lang nakikita ko ang sintomas ng pagiging isang sadista at masohista niya. Tuwing nagtatalik kami ay sinasaktan niya ako. Misan naiisip ko, baka napatay niya si Demi dahil dun. Hindi na rin natahimik ang buhay ko. Pakiramdam ko laging may nakasunod sa akin at nagmamatyag. Kaya lumayo ako at nagpalit ako ng trabaho.” Lumingon-lingon ito bago inilapit ang muksa sa kaniya.

“May pumatay sa pusa ko nung araw na nakita ko kayong dalawa.” Impit na umiyak na naman ito. “Hindi na natahimik ang buhay ko. Gabi-gabi may mga kaluskos akong naririnig sa labas ng apartment ko. Kapag tinatanong ko naman ang mga kapitbahay kung naririnig nila ang ingay sa gabi, ang sagot nilang lahat ay hindi.”

“Baka coincidence lang ang lahat.” Nais pa rin niyang bigyan ng benefit of the doubt ng nobyo.

“Isipin mo na ang nais mong isipin. Basta ako binabalaan na kita. Mag-iingat ka kay Gino.” Kinuha na nito ang shoulder bag at umalis. Naiwan siyang napatulala. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Mahal niya ang nobyo at alam niyang hindi nito kayang gawin iyon sa kahit na sino maging ang pumatay ng pusa.

Tumayo na siya para lumabas ng Mall. Maghihintay na sana siya ng jeep ng may narinig silang malakas na kalabog at tili. Nagmamadali siyang lumapit sa kinaroroonan ng ingay. Ganun na lang ang gimbal niya ng makita si Melanie na nakahandusay sa lupa. Duguan at durog-durog ang katawan.

“Nabundol nung van kanina.” Wika ng isang bystander.

“Hit and run yan!” sigaw naman ng isa.

Lumayo na siya sa umpukan. Tulala. Sino kaya ang may pakana ng mga ito? Totoo kayang si Gino? Pero impossibleng magagawa ito ng kaniyang nobyo. Bigla siyang nanlamig sa kaniyang iniisip. Pumara nalang siya ng taxi at umuwi.

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon