Chapter 2.4

573 8 3
                                    

C 2.4

        “Bayad ko po.” Sabi niya sa driver ng taxi sabay abot ng pera. Para siyang nakalutang sa ulap ng mga sandaling iyon. Hindi man lang niya namalayan ang taong nag-aabang sa likuran niya pagkababa niya ng taxi.

“Paula!” Napalundag siya sa kaniyang kinatatayuan.

“Gino?” gulat na sambit niya. Hindi niya inaasahan na bibisita sa kanila ang kaniyang nobyo.

Lumapit si Gino sa kaniya sabay hawak sa kaniyang siko. Nakarehistro ang pagtataka sa mukha nito.

“Anong nangyari sa ‘yo?” takang tanong ng lalaki.

“Ah wala ito, napagod lang siguro sa trabaho. Halika pasok ka muna sa loob ng bahay.” Nagpatiuna na siyang pumasok sa loob ng kanilang bakuran. “Kanina ka pa ba?” tanong niya dito habang binubuksan ang pintuan ng kanilang bahay.

“Oo kanina lang. Umalis nga pala mga pamilya mo papuntang probinsya. Biglaan daw sabi ng mama mo. Hindi ka raw niya kasi ma contact sa cellphone mo kanina. Hindi ka rin naman daw nag reply sa text ng kapatid mo.”

“Ah ganun ba. Eh kasi low-bat cell phone ko. Upo ka muna at magbibihis lang ako.” Iniwan na niya ang lalaki sa sala at umakyat na siya sa sarili niyang kuwarto.

Pagkapasok niya ay umupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Naalala na naman niya si Melanie. Sino kaya ang pumatay dito? May koneksyon kaya ang pagkamatay nito sa sinabi nitong mga nawawalang nobya ni Gino? Napaiyak siya sa kaniyang iniisip. Pinagdaop niya ang kaniyang mga kamay at pilit na ipinikit ang mga mata. Hindi na niya napigil ang humagulhol ng iyak. Ngayon pa lang ay takot na siya sa puwedeng mangyari sa kaniya. Mahal niya si Gino at alam niyang wala sa pagkatao nito ang gumawa ng ganun. Kahit na iilang buwan pa lamang silang magkakilala ay pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ito.

Bumukas ang pintuan ng kaniyang kuwarto at nakita niya si Gino na pumasok. Lumuhod ito sa kaniyang harapan at pinahid ng palad nito ang basa niyang mukha.

“Anong nangyari?” tanong nito sa kaniya. “Bakit ka umiiyak? Dahil ba iniwan ka ng mga pamilya mo? Gusto mong samahan kita dito?”

Umiling siya. “Hindi.”

Inilapit nito ang sarili sa kaniya para yakapin siya. “Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo.”

“S-si Melanie…”

Inilapit siya ni Gino sa dibdib nito. “Hanggang ngayon ba naman ay nagseselos ka pa rin kay Melanie? Sinabi ko naman sa ‘yo diba na ikaw lang ang mahal ko.”

Umiling uli’t siya at lumayo dito. “Hindi. Patay na siya!” nakita niya ang gulat na rumehistro sa mukha ng kaniyang nobyo. “Sinadya siyang banggain ng isang sasakyan kanina sa labas ng Mall.”

“Anong ginagawa mo sa Mall kanina? Sabihin sa akin ang totoo! Pinagdududahan mo ba ako ha Paula?” mahigpit nitong hinawakan ang isa niyang braso at niyugyog ng malakas.

“Nasasaktan ako…. ano ba? Bitawan mo ang braso ko.” Pilit niyang inalis ang mga kamay nito sa braso niya.

Imbes na bitawan siya ng lalaki ay marahas siyang kinabig at siniil ng halik. Nagkukumawala siya sa bisig nitong kasing tigas ng bakal. Marupok at marubrob ang pinatitikim nitong halik sa kaniya. Nawala bigla ang kaniyang pagtutol at ginatihan ang lalaki sa ginagawa nito.

               “Abigail! Abigail!” tawag ng nanay niya sa kaniya. Diretso pa rin siya sa paglalakad palabas ng bahay. Galit siya dito at sa tatay niya. Gusto niya ng makaka-usap ng mga oras na iyon. Pero parehong busy ang mga matalik niya kaibigan. Wala rin sa bahay nila ang pinsang si Gino. ‘Hmp! Kasama na naman siguro nito ang bagong nobya.’ Napaismid siya sa kaniyang naisip. Sobrang selos niya ng malaman niyang nagkanobya na naman ang kaniyang pinsan. Selosa siya sa lahat ng bagay, kaya kahit na sarili niyang pinsan ay pinagseselosan niya.

Naiinis rin siya kay Gino dahil madali lang nitong palitan ang mga hinihiwalayan nitong nobya. Maraming beses na niyang nahiling na sana hindi nalang sila naging pinsan. Aaminin niya may gusto siya sa lalaki. Nung una ay ‘Kuya crush’ lang iyon hanggang sa lumalim at naging infantuation hanggang obsession na niya ito. Pinangangalandakan rin niya sa mga kaibigan at buong eskuwelahan na ito ang nobyo niya. Madami rin namang naniniwala except sa mga matalik niyang kaibigan. And tingin ng mga ito sa kaniya ay isang sira ulo. Siguro dahil ini-stalk niya ang sariling pinsan. Kaya alam niya ang nagaganap sa buhay nito sa labas ng bahay nila. Hindi naman sila ganoon ka close para makipag kumustahan siya. At tuwing nag-uusap naman sila ay sandali lang. Kaya lihim nalang niya itong minamatyagan.

Ang KundoktorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon