Chapter 20

0 0 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nong nalaman ko na patay na si lola at di ko pa alam kung nasan ang kapatid kong si andrew. Di ko din natanong si mama emma kung nahanap ba nila ang kapatid ko.

Wala kaming pasok ngayon dahil may exam ang grade 8 and 10. Kinuha ko ang libro sa bag at nag basa-basa ako kasi bukas monthly exam na namin at kailangan kong makakuha ng mataas na marka.

Birthday ko na pala sa susunod na linggo ang bilis talaga ng panahon.

Mamaya ko nalang babasahin yung iba, kaya bumaba muna ako at nag tungong sala. Wala si mama emma siguro may inasikaso sa negosyo niya. Nakaupo lang ako sa sofa at nanuod ng kdrama at nakita ko si kuya red na may dalang malaking bag, babalik na ba siyang states?

"manang babalik na ba si kuya red ng states?" tanong ko kay manang.

"hindi hija, may pupunta lang daw siya sa Baguio" sabi ni manang.

Di ko nalang sinagot si manang at nanuod ulit ng tv. Siguro girlfriend niya ang pupuntahan niya, bakit parang nasasaktan ako na may girlfriend siya? Hays! Ano naman pakialam ko kung mag girlfriend diba? Dibaaaa?

Umakyat muna ako at pumasok sa kwarto ko para mag basa ulit ng libro pero di ako maka pagfocus eh laging tinatanong ng utak ko kung sino ang pinuntahan niya sa Baguio. Kailangan kong mag focus para may maisagot ako bukas sa exam.

Nag focus talaga ako ng bonggang bongga and i did it. Na memorized ko na yung mga notes ko at sa libro din. Sana makakuha ako ng matataas ng marka. In jesus name AMEN!

Matalino naman ako eh, salutatorian ako nung elementary, may dalawang paaralan na mag susupport sana sakin kaso di ko kayang iwan sina mama, papa at si andrew.

Apat na subject lang naman ang eexamin namin yun ay ang Values, Filipino, Aral Pan. at saka Science. Tapos sa susunod na naman ng buwan ang tatlong subject na English,TLE at Math.

Napatingin ako sa orasan at alas 12 na pala, kaya pala sumakit ang tiyan ko hays. Bumaba muna ako ng hagdan at nag tungong kusina.

"manang di pa po ba nakauwi ni mama emma?" tanong ko kay manang.

"ah, hindi pa hija eh. Kain ka muna jan baka nagutom ka sa pagbabasa ng libro" sabi naman manang at nginitian ko siya.

Ako lang mag isa kumain tapos na daw kasi sila manang at di nila ako tinawag ba ka daw kasi maiisturbo nila ako sa pag aaral. Matapos kong kumain kay hinugasan ko na ang pinag kainan ko kahiya naman kung si ate jade pa mag huhugas eh ako naman yung kumain.

Umakyat muna ako para kunin ang notes at libro ko tapos bumaba agad ng sala. Mag babasa ulit ako baka kasi may nakalimutan ako.

****

#ItsAngelicxz pa follow po
T H A N K Y O U! 😘

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Where stories live. Discover now