Chapter 10

2 0 0
                                    

"Okay lang kaya siya?" rinig kong tanong ng babae.

Minulat ko ang aking mata at puro puti lang ang aking nakikita, nasa langit na ba ako? Kung ganun ay makikita ko na sila mama at papa.

"Doc gising na siya, Doc!" sabi nang babae na nasa tabi ko.

"Hija, okay ka lang ba?" tanong niya sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"o-okay lang po ako, sino po kayo?" tanong ko sa kanya

"ako nga pala si Emma Hommes. Ikaw anong pangalan mo?" sabi ng babae sakin.

"Eris po ang pangalan ko" sagot ko sa tanong niya

"may masakit pa ba sayo?" tabobg niya.

"ah, dito lang po sa balakang ko" sagot ko naman.

"san pala ang bahay nyo? Para maihatid kita hija?" tanong niya pero bogla akong kinabahan.

"w-wag n-niyo po ako i-uwi kila t-tita, please po nag mamakaawa po ako" umiiyak kong sabi.

"i-inaabuso po n-nila ako d-dun" humihikbi kong sabi.

"isasama nalang kita saamin" sabi niya saakin at agad lumiwanag ang aking mukha.

"talaga po?" tanobg ko sakanya.

"oo kung gusto mo. Gusto mo ba?" sagot niya saakin.

"opo kahit isang kasambahay lang po ako" sagot ko sa kanya pero natawa lang siya.

"Doc, pwede na ba siyang makalabas?" tanong ni ate Emma sa doctor, di naman siya matanda mukha nga siyang bata nasa mga 30+ siguro yung edad niya.

"Ah, yes Ms. Hommes wala namang nabaling buto sakanya" sabi nung doctor.

Palabas na kami ng hospital di ko alam kung san kami papunta, pumasok kami sa kotse.

"Emil, sa mall tayo" sabi ni ate Emma.

Nakarating na kami sa mall at di nalang ako sumama dahil napakadumi ng itsura ko.

"dito nalang po ako ma'am emma nakakahiya kasi ang itsura ko" sabi ko pero natawa lang siya.

"oh siya sige jan ka lang at mama nalang ang itawag mo saakin, gusto kasi kitang i adopt" Nakangit niyang sabi sakin.

Naiwan kami dito ni kuya emil yung driver.

"alam mo iha napakabait nyang si Ma'am Emma" sabi sakin ni kuya emil, mukha naman siyang mabait.

"ahm, talaga po?"

"Oo, sobrang bait nga nya saamin at tinuring niya kaming tunay na pamilya at di rin siya maarte pinapasabay niya kami sa kanyang pagkain" kwento niya saakin habang nakangiti.

Napaka swerte ko naman pala kung ganun. Alam kung may plano ang panginoon sakin.

Nakabalik na si mama Emma at napaka dami niyang dala di ko nga alam kung ano iyon. Sumakay na siya sa kotse at nag drive na si kuya emil di ko alam kung saan kami pupunta. Naantok ako bigla kaya natulog nalang ako.

"Eris, andito na tayo gising na" sabi ni mama emma, napakalambing ng boses niya.

Bumangon na ako at bumaba sa kotse at bumungad saakin ang napakalaking bahay, woowwww. Napaka gandang bahay, di padin ako makapaniwala na aamponin ako ng isang mabait at mayaman. Di naman ito ang pinangarap ko pero laking pasasalamat ko na mapapayapa na ang aking buhay.

"Manang sabel, hatid mo si eris sa kwarto niya" sabi ni mama emma.

"opo ma'am" sabi naman ni manang sabel.

"ahm wala po bang anak si mama emma?" tanong ko kay manang sabel.

"may anak siya hija pero nasa states, ang asawa naman niya ay pumanaw na" ani naman ni manang sabel

Di na ako nag tanong pa, kawawa naman pala si mama emma. Wala dito ang anak niya para e comfort siya, nandito na naman na ako kaya di na siya nag iisa.

****

Nakapabait ng dyos AMEN 😇👏

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon