Chapter 7

1 0 0
                                    

"ate eris tumakbo ka na!" sabi ni miya pero naguguluhan ako.

"bakit miya?" nag tatakang tanong ko"

"basta bukas ko nalang sasabihin, dito tayo ulit mag kita" sabi niya kaya tumakbo ako at di ko na alam ang lugar na to.

104 pesos itong perang napalimos ko kanina kaya okay nato para pang kain ko. Gabi narin kasi kaya nagutom ako, naghanap ako ng makakainan pero wala akong nakitang mura puro mahal kaya pandesal nalang ulit ang binili ko.

Naka upo ako ngayon dito sa may sirado na tindahan dito narin siguro ako matutulog. Nakatingin lang ako sa langit.

"totoo bang nakatingin ka lang sa sakin? Pero bakit mo ako binabayaan? Bakit saakin pa nangyari to?, ayaw ko na sa mundong ito kunin mo nalang ako" kinakausap ko ang langit habang umiiyak. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may tumadyak saakin.

"umalis ka dito! Baka malasin pa tong tindahan ko dahil sayo!" galit na sabi nitong ginang.

Kaya umalis na ako at naglakad lakad. Matagal ko ng alam na malas ako pero sana may plano ang panginoon saakin.

Di ko alam ang lugar na napag usapan namin ni miya, di ko na siguro ulit sila makikita. Nag limos ako para may makain, lalakad lang ako ng biglang may tumakip sa aking bibig at pinasok ako sa isang van.

"San niyo ako dadalhin!? Tulong! Tulongan niyo po akoo!" sigaw ko.

"ang ingay mo ha!" at tinakpan niya ang aking bibig at tinali ang aking kamay.

Nakarating na kami sa isang abandonadong bahay, pinababa niya ako sa sasakyan at tinulak papasok sa loob.

"boss may bago tayong na recruit hahaha" sabi nitong mukhang unggoy nato.

"mabuti naman ng madagdagan sila" sabi nung parang boss nila.

"ate eris!" napalingon ako sa tumawag sakin.

"m-iya, Jeffrey?" sabi ko at lumapit.

"b-akit kayo nandito? Nahuli din ba kayo?" tanong ko sa sa kanila.

"matagal na kaming nandito ate eris 10 palang ako nun ngayon 13 na ako" sabi ni miya saakin.

Dalawang taon pala ang agwat namin.

"okay lang ba kayo dito?" tanong ko uli.

"okay lang naman pero di kami nakakakain ng maayos dahil limitado lang" ani ni miya.

"wag kayong mag alala, tatakas tayo dito" sabi ko.

"KAKAIN NA!" sigaw nung lalaking kumidnap sakin.

Nagsitakbohan ang mga bata. Bakit kaya?

"bilisan mo ate eris baka wala na tayong makakain mamaya" sabi ni jeffrey, kaya pala nagsitakbohan sila.

Pumila na kami at nilagyan ng kanin pero apat na kutsara lang ang nilagay.

"pwede pa dagdagan?" tanong ko sa lalaking taga bigay.

"ano ka? siniswerte? Umalis kana!" sabi niya kaya umalis nalang ako at tumabi kina miya kumain.

Tapos na kaming kumain at pinatulog na dahil maaga pa daw kami maglilimos bukas kaya natulog na ako.

(KINAUMAGAHAN)

Nagising ako dahil sa malakas na padyak sakin.

"BANGON NA KAYO!" sigaw nong lalaki kaya nagsibangon kaming lahat.

Umalis na kami sa abandonadong bahay. Ibat iba ang lugar namin para daw marami kaming malimos, yung iba ay sa terminal ng bus, sa palengke at kami naman nila miya ay sa plaza salamat nalang kasi kasama ko sila miya.

"ibigay niyo samin ang buong perang nalimos niyo, dahil kung hindi di kayo maka kakain mamaya! Naintindihan niyo ba!?" sabi nung lalaki na nag kidnap sakin.

"opo" walang ganang sagot namin lahat.

****

Nakidnap tuloy si eris. Ang sad.

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Where stories live. Discover now