Chapter 8

1 0 0
                                    

Andito na kami sa plaza at naisipan namin ni miya na mag hiwa-hiwalay nalang para marami kaming malimos. Di naman gaanong malaki ang plaza kay magkikita kita pa din kami.

"ate palimos po" sabi ko at binigyan niya akong sampung peso.

Naglakad lakad ako at may 74 pesos na akong nalimos kaya naisipan kong bumili ng pag kain. Bumili akong pandesal sumakit kasi ang tiyan ko, 4 ang binili ko binili dahil bibigyan ko rin sila miya. Hinanap ko sila at yun nakita ko na din.

"miya, jeffrey hali kayo!" sigaw ko at lumapit sila.

"pandesal oh, kainin niyo alam ko kasing gutom na kayo" sabi ko, naawa na ako sa sa kanilang dalawa.

"ahm ate, pera ba to sa pinalimos mo?" tanong ni miya sakin.

"oo miya, bakit?" tanong ko.

"HOYY! BAT KAYO BUMILI NG PAGKAIN!? DIBA SABI KO BAWAL KAYONG BIBILI DAHIL MABABAWASAN ANG PERA? MAKAKARATING TO KAY BOSS!" sabi ng lalaki at kinuha ang pandesal na binili ko at umalis na siya.

"ate kapag kasi bibili ka ng pagkain siguradohin mong di ka nila nakikita para makakain ka" sabi ni jeffrey, ah ganun pala yun.

"kain tayo? Mag tatago nalang tayo" sabi ko at tumango naman sila.

Nagugutom na kasi ako eh. Bumili ulit kami ng pandesal pero nag tatago kami kasi andito lang sa paligid ang mga bantay.

"mang limos na tayo uli?" sabi ko kaya umalis na kami para mang limos.

Kailangan umabot to kahit 100 pesos lang. Nag lalakd kami at nag lilimos at umabot na yung akin ng 178 pesos, ka miya naman ay 204 at ka jeffrey ay 196. Malaki laki nadin kasi to kaya naisipan namin mag pahinga muna. Hapon na din kasi.

Dumating na ang van kaya sumakay na kami. Pag karating namin sa abandonadong bahay ay hiningi na ni boss yung mga pera namin.

"boss, tong bata to ang bumili ng pagkain" sabi nong nakahuli samin.

"bahala na yan, malaki laki din naman ang mga naipanglimos nila" sabi nong boss.

"KUMAIN NA KAYO!" pagkasabi nun ay nagsi takbohan na kami.

Pag katapos naming kumain ay nahiga na kami at natulog na.
.
.
.
.
"GUMISING NA KAYOOO!!"sigaw nung lalaking mukhang ungoy.

Kaya dali dali na naman kaming bumangon, kasi pag di ka babangon agad ay tatadyakan ka.

Aalis na sani kami ng.

"maiwan ka muna dito eris" sabi nung boss kaya nagpaiwan nalang ako.

Tumingin ako sa mata ni miya at nakita ko dun na kinakabahan siya para sakin.

"i masahe mo ako" sabi niya at dinala niya ako sa kwarto niya.

"opo" sagot ko naman, at may binigay siyang efficascent oil.

Tapos na akong mag masahe kaya lalabas na sana ako ng hinawakan niya ang braso.

"diko ka lang eris di ako tapos sayo" sabi niya at pinaupo ako.

"b-bakit p-po?" tanong ko at di niya ako sinagot.

Tumabi siya saakin at hahalikan na sana aking leeg pero tinulak ko siya.

"w-ag po" sabi ko, tatayo na sana ako ng pinaupo niya ulit ako.

"pasisiyahin lang naman kita" sabi niya, kinikilabutan ako sa sinabi niya para lang siyang si demonyong alfonso. Hahalikan niya sana ulit ako ng tinulak ko na naman siya.

"ANO BA! GUSTO MO PATAYIN KO SILA MIYA!?" Sumigaw siya pero may mga ngisi parin sa kanyang demonyong mukha.

"w-ag mo s-sila idamay" nangingining na sabi ko.

"kung ganun pumayag kana sa gagawin ko" sabi niya.

Huhubarin na niya sana ang aking pang ibabaw na damit nang inapakan ko ng malakas ang kanyang paa kaya napasigaw siyaa. Tatakbo sa sana ako ng may humarang sakin.

"di ka makakatakas sakin" nakangising sabi niga saakin.

****

Mag iingat kayo palagi at wag kalilimutan na nandyan lang palagi ang panginoon para satin. God bless us all😇

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Where stories live. Discover now