Chapter 11

1 0 0
                                    

Pagpasok ko sa kwarto ay kulay puti lang ito at wala pang masyadong gamit. Nahiga ako sa higaan ko, ang sobrang lambot tapos pang queen size pa.

*toktoktok* binuksan ko ang pinto ang si mama emma ang bumungad saakin.

"ito ang mga damit mo, binili ko yan kanina sa mall. Alam kung magugustuhan mo yan" ani ni mama emma na ngumingiti.

"salamt po ng marami mama emma" pasasalamat ko.

"you're welcome hija, maligo kana jan at bumaba ka pagkatapos, kakain na tayo" ani ni mama kaya umupo muna ako sa upuan at tiningnan yung mga damit na binigay niya saakin.

"wow ang gaganda" ani ko sa sarili.

Naligo muna ako may sarili din akong banyo dito. Kinuskos ko ng mabuti ang bawat parti ng katawan ko, naiyak ako bigla ng malala ko ang nangyari sakin nuon at di ko na kayang kuskosin ang mga parting yun, napakadumi ko nang babae.

Tapos na akong maligo kaya nag hanap na ako ng susuotin at may nahanap akong pangbahay kaya yun nalang ang sinuot ko. Nilagay ko na yung ibang damit sa cabinet. Lumabas na ako ng kwarto ko at napatingin ako sa katabi nito. May nakasulat pa sa pinto na DON'T ENTER WITHOUT MY PERMISSION, kanino kayang kwarto to siguro sa anak ni mama.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko agad sila mama.

"Kumain kana dito eris" sabi ni mama kaya lumapit ako at naupo sa bakanteng upoan.

Napakaraming ulam sa aking harapan, ngayon lang ako nakakakain nito at sobrang sarap pa. Tapos na kaming lahat kumain kaya nag voluntaryo akong mag hugas ng pinggan hindi naman sila pumalag at hinayaan lang ako.

Naupo ako ngayon sa sofa dahil tapos na akong mag hugas at lumapit si mama sakin.

"okay lang ba kung matatanong ako kung ano ang nangyari sayo?" sabi ni mama emma samin.

"ah, opo" sabi ko.
"nakatira po kasi ako kila tita carla na kapatid ni papa bilang kasambahay po para masupportahan ko po sila lola at ang bunso kong kapatid. Inaapi,inabuso po ako nila at binaboy po ako ng asawa ni tita." tumigil muna ako kasi naiiyak na naman ako eh.

"lumayas ako sa bahay nila at nag puntang maynila pero ninakaw ang bag ko at nandun ang pera ko na sahod ko pa bilang kasambahay. Kaya nag limos ako para makakain pero dinukot ako ng isang sindikato at pinapalimos kami at ibibigay namin sa kanila ang pera na nalimos namin at binaboy din ako ng boss nila kaya nagpursige akong makatakas at dun po nakita niyo ako at marming salamt po dahil napakabait mo sakin mama emma" kwento ko na umiiyak kaya ni yakap niya ako at niyakap ko na rin pabalik.

"napakasakit at napakahirap pala ng dinanas mo eris" naiiyak rin siya sa kwento ko

"Gusto mo bang kasohan ang tito mo?" tanong ni tita sakin.

"wag nalang po, ang dyos na po ang bahala sa kanila" ani ko kay mama emma.

"napakabuti mong bata hindi mo hinayaan na lamunin ng galit ang iyong puso" sabi niya sakin at niyakap ko siya uli.

Ang sarap pala sa pakiramdam pag may napagsasabihan ka ng iyong problema biglang gumaan ang pakiramdam ko.

****

Yeheyy, another chapter done!

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang