Chapter 16

2 0 0
                                    

Lunes ngayon kaya maaga akong nagising dahil sa sobrang excited. Tapos na akong kumain kaya nag paalam na ako kina mama emma at manang sabel. Ihahatid na sana ako ni kuya emil ng biglang mag salita si pula ay este kuya red pala.

"Sasama ako, i will buy something" sabi niya, ano kaya bibilhin niya? Hmmm.

Pagkasabi niya non ay sumakay siya at tumabi sakin. Tahimik lang ang naging byahe namin, malayo-layo din kasi itong paaralan na pinapasokan ko. Di ko nga alam kung bat sa private pa ako pinaaral eh pwede naman sa public tapos malapit lang din kina mama emma ang paaralan. Di ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

"hey! Don't sleep on my shoulder!" rinig kong sabi ni kuya red pero di ko ito pinansin.
.
.
.
.
"wake up, we're here already!" yog yog niya saakin kaya dali-dali akong lumabas ng kotse.

"salamat kuya emil, ingat po kayo" sabi ko at pumasok na sa paaralan.

Naglakad lakad ako kasi hinanap ko yung magiging classroom namin. At sa wakas nahanap ko na rin.

Pumasok na ako ng room at wala pa ang guro namin kaya nag hanap ako ng mauupoan. Umupo ako dito sa may bandang bintana maganda kasi ng view makikita mo yung buong soccer field.

Pumasok na ang guro namin at nagpakilala sa sarili, tapos na siya kaya kami na naman ang magpapakilala sa aming mga sarili.

Isa-isa kaming nagpapakilala at ako ang huli.

"ako nga po pala si Erishel Anne Garcia 15 taong gulang" sabi ko at umupo na.

Nag disscus lang siya about sa rules and regulations ng paaralang ito at nag bigay ng requirements at umalis agad.

Grade 7 ako ngayon at mga bata pa ang mga kaklase ko. Buti nalang hindi sila bully at nirerespito nila ako bilang ate nila nakakatuwa nga eh marami na akong kaibigan sa unang araw.

"ate, sama ka saamin? Punta kami nila Alston at Marthena sa canteen." tanong ni Giselle sakin.

"ah sige kayo nalang muna busog pa naman ako. Mamayang lunch sama ako sa inyo ha?" sagot ko naman sakanya.

"sige ate eris, mauna na kami" sabi naman ni marthena.

Di nalang ako sumagot at nag basa nalang ng libro, kailangan ko kasing mag advance learning para handa na ako sa mga lessons bukas at para di din mag hinayang si mama emma na pinaaral niya ko.

Ang bilis ng oras alas 12 na kaya pumunta na kaming canteen nila giselle kasi kakain kami.

Tapos na kaming kumain kaya bumalik na kaming classroom.

Pumasok ang guro namin at nag anunsyo na wala na kaming pasok. Umingay ang classroom namin dahil sa anunsyong iyon.

Tinext ko nalang si kuya emil na mag papasundo na ako kasi wala na kaming pasok.

Naupo ako sa may bench ng school, dito ko nalang hihintayin si kuya emil.

Lumipas ng ilang minuto biglang umingay ang buong paaral, nagsitakbohan ang mga studyante kinabahan ako bigla baka kasi may sunog.

"anong meron? May sunog ba?" tanong ko sa babaeng kinalabit ko at di ko kilala.
Di niya ko pinansin at tumakbo siya, kaya sinundan ko yung babaeng tinanong ko.

"Ang gwapo niya"
"Artista siguro ng america"
"Ang gwapooo mooo"

Tili ng mga babae.

"excuse me"

"padaan po"

"Excuseee"

Sabi ko sa mga dinadaanan ko at nakarating ako sa gitna.

"hala bakit siya andito" ani ko sa sarili.

****

Sorry po kung natagalan ako sa pag UD, naglalaro din kasi ng Mobile Legends si writer minsan, hahaha.

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Where stories live. Discover now