Chapter 15

2 0 0
                                    

"erishel tawagin mo nga kuya red mo sabihin mo kakain na" sabi ni mama emma.

"ahm san po yung kwarto niya po?" tanong ko naman ni mama emma.

"yung katabi ng kwarto mo" sagot naman ni mama.

"ah sige po" sabi ko kaya umakyat nako ng hagdan.

*toktoktok*
"K-kuya red? Kakain na daw"
*toktoktok*
"kuya re---"

Bigla naman bumukas ang pinto niya at bumungad saakin ang hubad niyang katawan. Ohmygulay, napaiwas na ako ng tingin at may sinabi siya.

"don't you dare call me kuya we're not siblings, YOU. ARE. JUST. ADOPTED." cold na sabi niya saakin.

Sinara niya ulit ang pinto at nakatulala parin ako sa harap ng pinto niya dahil sa sinabi niya. Nasaktan naman ako dun, pero okay lang totoo naman titiisin ko nalang siya. Kahit di ako nakapag highschool ay nakaka intindi din naman ako ng english. Bumaba na ako ng hagdan at nag tungong kusina.

"susunod nalang daw po si k-kuya red" sabi ko at tumabi sa ni manang sabel.

Di ako tumabi sa tabi ng upuan ni mama emma baka dun uupo si pula at baka magselos kasi ako ang katabi ng mommy niya. Bumaba na si pula pero di siya tumabi sa mommy niya kaya nalungkot si mama emma at nalungkot din ako. Walang respeto naman tong lalaking to.

Tapos na kaming lahat kumain kaya nilinis na ni ate jade ang napag kainin namin at ako naman ang nag huhugas.

Matapos kong mag hugas ng mga pinggan ay umakyat ka ako ng kwrto at nakasalubong ko pula.

"tsk" sabi niya.

Pumasok na ako ng kwarto at nahiga nalang. Napakasungit naman ng lalaking yun.

*toktok*
"pasok po" sabi ko at si mama ang nakita ko.

"eris na enroll na kita sa St. Luciana University at sa lunes na ang pasokan. Ready ka na ba?" tanong ni mama emma sakin.

"talaga po? Opo sobrang excited na po ako" masigla kong sabi kaya nikayap ko ni mama emma

Sobrang nag papasalamat ako kay mama emma dahil kung hindi dahil sa kanya ay di maayos ang buhay ko. Lumabas na si mama emma kaya nahiga na ako ng biglang bumukas ang pinto.

"a-anong k-kailangan mo k--kuya r-ed?" nauutal kong tanong sakanya, ah oo si pula ang pumasok ng kwarto ko nakalimotan ko kasing i lock

"i just want to see your room, why? Am i not allow to enter? Ha.ha this is my house too" sabi niya saakin.

"my mom really likes you, what did you do to my mom?" tanong naman niya saakin.

"i don't like you to become my sister" sabi naman niya.

Ako ba tinanong niya kung gusto ko siyang maging kuya? As if naman na gusto ko, Napakasungit kaya niya. Di nalang ako sumagot sa mga sinasabi niya. Nag lakad lakad siya nag punta siyang cr para tingnan ito, binuksan niya ang cabinet ko at binuksan niya rin ang shoe cabinet.

"she buys you a lot. I'm jealous because you can make her happy" sabi niya at umalis ng kwarto ko.

Hindi ko siya maiintindihan, jealous pala siya bakit pa niya iniwan ang mommy niya dito mag isa.

****

Enjoy reading po!

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Donde viven las historias. Descúbrelo ahora