Chapter 6

4 0 0
                                    

Alas 9 na ng gabi kaya naisipan kung lumabas para kumain, gutom na din kasi ako. Pagkatapos kong kumain ay nag hugas ako ng mga plato, tulala ako minsan kaya nahuhulog yung plato sa labado at nagpapasalamat pag walang nabasag. Hay buhay, pagkatapos kong mag hugas ay pumasok ako sa kwarto at ni lock ito tapos matutulog na.

Nagising ako ng may humawak sa aking hita at nakita ko si demonyong alfonso, sinipa ko siya pero di siya natinag

"Bakit ka naka pasok!?" sigaw ko sa kanya at dali-dali niyang tinakpan ang aking bibig.

"May paraan ako eris" sabi niya at pinakita saakin ang kutsilyo.

Mamamatay na ba ako? Hanggang dito na siguro ako.

"wag ka lang maingay para di kita masaksak nitong kutsilyong hawak ko" sabi niya at may malademonyong ngisi.

"patayin mo nalang ako!" sigaw ko sa kanya. Umiyak na talaga ako.

"di ko yun gagawin dahil makikinabang pa ako sayo pero papatayin ko ang lola at kapatid mo kapag nag sumbong ka sa pulis" sabi niya.

"wag mo silang idamay sa kademonyohan mo!" sabi ko at sinuntok niya ako sa tagiliran at sikmura nawalan na ako ng lakas.

"wag niyo po tong gawin sakin maawa ka po" umiiyak na sabi ko.

Parang wala siyang narinig at hinubad niya aking suot at nag tagumpay nga siya sa kanyang balak. Umiiyak akong yakap ang aking sarili.

"salamat eris" nakangisi niyang sabi at umalis na ng kwarto ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang nakatulog ako.

Nagising ako ng alas 4 ng madaling araw at dali daling lumayas ng bahay, nag punta ako sa terminal para sumakay ng bus papuntang maynila.

"lola, bunso patawad, pero kailangan ko ang pera ngayon" ani ko sa sarili habang umiiyak.
.
.
.
"ineng andito na tayo sa maynila" sabi nong conductor, nakatulog pala ako kakaiyak.

Bumaba na ako at tumingin sa paligid, di ko alam ang lugar ng maynila kaya nag lakad-lakad nalang ako. May nakita akong nag titinda ng pandesal kaya bumili ako pampaiwas gutom.

"palimos po" sabi nitong batang babae na nasa 11 anyos ata.

Binigyan ko ito ng 10 pesos kaya umalis na siya.

Andito ako ngayon sa plaza nakaupo ng biglang may kumuha sa bag ko at tumakbo. Hinabol ko yung lalaking kumuha sa bag ko pero di na ito naabotan.

"nandun ang pera ko, panu na ako" ani ko sa sarili at umiyak.

"ang malas malas ko talaga, sana hindi nalang ako nabuhay" sabi ko at umiiyak pa rin.

"ate palimos po" sa nitong babae na may kasamang batang lalaki.

"ah, wala kasi akong pera. Kinuha nung lalaki ang bag ko" sabi ko at humihikbi parin.

"pwede ba akong sumama sa inyo mang limos?" sabi ko sa kanilang dalawa at pumayag naman.

"ate eris nalang ang itawag niyo sakin" sabi ko at ngumiti.

"ako si miya at siya naman si jeffrey kapatid ko ate eris" sabi niya.

Naiyak na naman ako kasi naalala ko yung kapatid ko kay jeffrey, kmusta na kaya sila lola sana naman okay lang sila. Nag lakad lakad kami at nag lilimos

"palimos po ate" sabi ko at binigyan niya ako ng limang peso.

Okay na tong limang peso kaysa naman sa wla.

****

-AMM-

Everything's Happen For A Reason Where stories live. Discover now