SHORT STORY: あなたの声

39 1 0
                                    

"Andito nako," sabi ko.

Nagulat ako ng makita ko siyang walang malay na naka higa sa sahig at may mga gamot na naka kalat sa harap niya. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinanap ang pulso niya. Nagsimula namang mamuo ang mga luha sa dalawang mata ko.

"Meron pa," bulong ko.

Kahit sobrang natataranta ako ay sinubukan ko paring ikalma ang sarili ko. Binuhat ko siya at tinakbo sa pinaka malapit na hospital. Agad siyang ipinasok sa ER at matapos ang ilang oras ay lumabas na ang doctor.

"She's safe. Buti nalang at nadala mo siya agad." sabi nito.

Nagising siya pagkalipas ng isang araw. Niyakap niya ako agad at umiyak. Hindi ako nagsalita, hinintay ko na siya ang mauna kaya hinayaan ko na muna siyang umiyak sa dibdib ko.

"I just want all those voices to stop." mahina niya sabi.

Hinaplos ko ng mahinahon ang buhok niya habang pinipigil ang sarili ko na umiyak.

"Pangako, susubukan kong lakasan ang boses ko. Sobrang lakas na hindi mo na maririnig yung mga boses na bumubulong sa'yo," sambit ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinalikan ko ang kanyang noo.

The World of LettuceWhere stories live. Discover now