POEM: Sakaling Pagod Ka Na

42 6 0
                                    

Kung sakaling pagod ka na
Sakin ka magpahinga
Isandal mo ang iyong ulo sa balikat ko at sabay nating tingnan ang mga bulalakaw na naliligaw sa kalangitan,
Ang mga ibong naghahabulan;
At ang pagmamahal mo sakin na unti unti nang nababawasan

Kung sakaling pagod ka na
Tingnan moko sa mata
Tingnan mo ang aking mga mata
Pagmasdan mo kung paano sila kuminang sa tuwing nakikita ka,
Pagmasdan mo kung papano magiging luha ang bawat pagmamahal na ’yong pinadama

Kung sakaling pagod ka na
Balikan muna natin ang kahapon
Noong ginagawa pa nating tinda at pera ang mga dahon
Noong sabay tayong tumatakbo palayo sa dagat dahil sa malakas nitong alon
Noong tinuturing mo pa akong prinsesa ng maliit mong mansyon

At kung sakaling hindi na talaga kayang ibalik pa
Wag ka nalang munang bumitaw
Kahit hanggang sa pagsikat lang ng araw
Hanggang sa maramdaman kong ang aking mahal ay hindi na ikaw.

The World of LettuceWhere stories live. Discover now