POEM: Jonghyun

47 8 0
                                    


Isang taon
Isang taon, mula nung mas pinili mong umalis kaysa manatili
Isang taon, mula nung mas pinili mong sumuko kaysa lumaban

Isa ka lang idolo sa mata ng iba
Ngunit para sakin isa kang pamilya
Natulongan ako ng mga kanta mo
Pero nung kailangan mo nang tulong, wala ako

Malungkot, sobrang lungkot
Sa sobrang lungkot, yung lungkot naging galit
Nagalit ako dahil mas pinili mong bumitaw kaysa kumapit

"IF I CRY AND SAY IT HURTS, WHO WILL HAVE A HARDER TIME?"

Linya sa isa mong kanta
Ang sagot ko ay "Tayong Dalawa"
Ngunit kahit mahirapan ako,
Handa ako para sa'yo
Handa akong kumapit sayo kahit binitawan na din ako ng mundo
Handa akong makinig, lumaban kasama ka
Ngunit huli na

Mahirap ipagsabay ang ingles at tagalog sa isang tula
Pero mas mahirap ipagsabay ang ako at ikaw ngayong ika'y wala.

Da Lettuce // I dedicate this poem to Jonghyun. I miss and love you. I hope you're okay now. I made this last december 2018, this is just a simple poem but my love for you ain't simple.

The World of LettuceWhere stories live. Discover now