POEM: Hakbang

46 7 0
                                    

Isang hakbang paunahan,
Patungo sa nais mong mapuntahan,
Patungo sayong kinabukasan,
Isang hakbang lang muna— dahan-dahan,
Huwag kang magmadali— hindi 'to habulan,

Isang hakbang paatras,
Maghanda ka ng mga armas,
Kailangan mo ng mga bagay na sa'yo ay magpapalakas,
Limitado lang ang ating oras,
Kaya ang bawat araw mo, gawin mong kasing ganda ng mga rosas,

Isang hakbang pakaliwa,
Umiwas ka sa masasama,
Maaari kang pagsamantalahan ng iba,
Kaya maging matatag ka,
Para sa sarili mo at hindi para sa kanila,

Isang hakbang pakanan,
Huwag mong pansinin ang sinasabi ng lipunan,
Manalangin ka at sya ay pagkatiwalaan,
Ano mang pagsubok kaya mong lagpasan,
Kahapong ikaw, kaya mong higitan,

Maaari kang humakbang paatras o paunahan—
Pakaliwa o pakanan,
At maaari ka ring huminto sa'yong kinatatayuan,
Maaari kang huminto kung ika'y nasasaktan,

Huminto ka,
Magpahinga at maghanda,
Dahil hindi ka hihinto habang buhay,
Hahakbang ka ulit kahit walang nakaalalay,

Maari kang matumba,
Ngunit huwag kang mawawalan ng pag-asa,

Mahirap,
Pero aabot ka sa dulo,
Magtiwala ka sa sasabihin ko,
Kung kaya nila—
Mas kaya mo.

The World of LettuceWhere stories live. Discover now