POEM: Sakaling Maging Tayo

43 9 0
                                    

Sakaling maging tayo,
Paki ingatan ang puso ko,
Paki ingatan ako.
Maaring matapang ako sa harap
Pero malambot ’to, kasing lambot ng ulap.

Sakaling maging tayo,
Ipagmalaki mo ’ko sa mundo.
Ipagmalaki mo kung gaano mo ’ko ka gusto
Alam kong hindi ako ganon ka espesyal,
Pero yun ang aking dasal.

Sakaling maging tayo,
Iparamdam mo ang halaga ko.
Iparamdam mo ang ganda ng bawat araw
Dahil wala akong ibang hiniling na makasama habang-buhay kundi ikaw.

Sakaling maging tayo,
Sakin ka lang tumingin.
Sungkitin mo ang buwan at mga bituin.
Patigilin mo ang malalakas na ulan at hangin.

Sakaling maging tayo,
Pwede mo ’kong saktan.
Pwede kang lumisan habang ako ay luhaan.
Ngunit bago sana dumating sa puntong ’yan,
Maging masaya muna ako kahit panandalian lang.

Sakaling maging tayo...

Mali.
Hindi pala dapat "sakali"

Sana maging tayo.

The World of LettuceWhere stories live. Discover now